BUTUAN CITY– Bilang bahagi ng patuloy na implementasyon ng global warming and climate change mitigation program ng pamahalaan, isang Memorandum of Partnership (MOP) sa “Adopt-a-Watershed” ang nilagdaan kamakailan sa pagitan ng ahensiya ng pamahalaan, local government unit (LGU) at pribadong kumpanya sa agricultural-rich landlocked province ng Agusan del Sur sa Caraga region, ayon sa opisyal ng forestry sa rehiyon, kahapon.
Una rito, nakipagtulungan ang mga opisyal ng Provincial and Community Environment and Natural Resources Office (PENRO, CENRO) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa LGU at pribadong kumpanya para sa paunang 20-hectare tree planting site ng “Adopt-a-Watershed” sa Maputi Watershed na matatagpuan sa Barangay Sta. Cruz, Rosario, sa nasabing probinsiya.
Sumang-ayon din ang mga opisyal ng DENR-Agusan del Sur sa pangunguna nina PENR Officer Jose Flaviano V. Concha at Bunawan CENR Officer Jerome H. Albia, kasama ang LGU officials sa pangunguna nu Rosario Mayor Jupiter Abulog at ABC President Felicidad A. Ocite, gayundin ang barangay chairman ng Sta. Cruz, at mga pangunahing opisyal ng Mindanao Mineral Processing and Refining Corporation (MMPRC)/Philsaga Mining Corporation (PMC) sa pangunguna ni President Atty. Raul C. Villanueva at Resident Manager Engr. Ferdinand A. Cortes, na magkaroon ng isang paglagda sa susunod na buwan para sa higit 100-hectare continuing tree planting at pamamahala sa programa.
Sa ilalim ng MOP, nagkasundo ang DENR, LGU at PMC/MMPRC “to go hand-in-hand” para sa operationalization ng MOP kabilang ang strip brushing, ring weeding, staking, hole digging, planting, fertilizer application at supervision.
Kasama ang lokal na pamahalaan ng Rosario,pinasimulan noon pang 2012 ang reforestation project na binubuo ng pagtatayo ng plantation at forest plantation maintenance and protection.
Ayon sa datos, nakapagpalaki na ang reforestation program ng PMC/MMPRC ng halos 2 milyong puno sa nakalipas na 10 taon.
Bukod naman sa malawak na plantation areas (kasama ang giant bamboo plantation), ginamit na rin ng kumpanya ang “Barangay and Sitio”, “Adopt-a-Forest”, “Adopt-a-Mangrove” at sinuportahan ang mga matataas na komunidad para sa kanilang educational and other livelihood program, DENR-Bunawan CENR Officer Albia.
“Actually, no let up in Agusan del Sur tree planting activity, in full support to our continuing climate change mitigation program,” pahayag ni Bunawan CENRO official.
“The continuous reforestation efforts of PMC/ MMPRC covers not only within its tenements, but encompass areas outside its operation, and we commend their effort which is a big plus factor in our climate change mitigation program,” pahayag naman ni DENR 13 Regional Executive Director (RED) Atty. Felix S. Alicer.
“The initiative also of the company to share its resources in E-NGP is considered beneficial and good to the community, not only for this generation but also to the next generation,” ayon pa rito.
Pinamumunuan ng regional office DENR 13 ang pagpapatupad ng tree planting program sa kanilang their Expanded National Greening Program (E-NGP). Pagtutunan din ng ahensiya ang
rehabilitation and protection efforts sa Peoples Organization (PO)-contracted plantation sites na itinatag noong 2019.
-Mike U. Crismundo