TULAD ng isang pangkaraniwang tao, humingi ng paumahin (apology) si Pope Francis nang siya’y magalit at nawalan ng pasensiya sa babaing humatak sa kanyang kamay sa St. Peter’s Square, Vatican City noong nakaraang Martes.

Tinampal ng Papa ang kamay ng babae na humatak sa kanya at kitang-kita sa video ang kanyang pagsimangot at di-napigilang pagka-irita sa ginawa ng babaing mananampalataya. Isang personal apology ang ipinaabot ng Santo Papa sa lahat.

“Nawawalan tayo ng pasensiya sa maraming pagkakataon. Nangyayari rin ito sa akin. Humihingi ako ng paumanhin sa masamang halimbawa kahapon,” pahayag ni Pope Francis bago siya nagmisa sa Vatican.

Binati ng Santo Papa ang mga bata sa Nativity scene sa St. Peter’s Square at paalis na nang biglang hablutin ng isang babae ang kanyang kamay na muntik na niyang ikabuwal. Napasimangot ang 83-anyos na Papa at tinampal ang kamay ng babae nang dalawang beses upang makawala bago nakakilos ang kanyang security guard.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Suportado si Pope Francis sa mga komento sa Twitter tungkol sa insidente na isa raw instinctive reaction. “Hindi ako katoliko, pero mali ang babae. Parang nasaktan pa ang Papa. Siya ay tao lang at kahit siya ang Papa, hindi siya immune sa sakit o pag-iwas sa pananakit,” saad sa Twitter.

oOo

Para sa bagong hirang na Hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP), bibigyang prayoridad niya ang paglaban sa terorismo. Sinabi ni AFP chief of staff Lt. Gen. Felimon Santos Jr., nagpapasalamat siya sa pagtitiwala sa kanya ni Pres. Rodrigo Roa Duterte na pamunuan ang AFP.

“Patuloy naming susuportahan ang priority program ng Pangulo para sa kapayapaan at seguridad. Si Santos ay kabilang sa Philippine Military Academy (PMA) Sinagtala Class of 1986. Siya ay tubong-San Rafael, Bulacan.

Ayon kay Santos, paiigtingin ng AFP ang pagsisikap na ma-neutralize ang local terrorist groups, partikular ang mga grupong may kaugnayan sa Islamic State (IS), Abu Sayyaf Group, at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Bilang AFP chief of staff, nangako siya sa aktibong pagtulong ng military sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kampanya laban sa illegal drugs. Magiging puno si Santos ng AFP ng halos walang buwan hanggang sa pagsapit ng kanyang ika-56 kaarawan sa Agosto 2020.

-Bert de Guzman