FOURTEEN years old si Darren Espanto ng sumali siya sa first season ng The Voice Kids-Philippines. Dito na nabago ang takbo ng kanyang singing career who placed second sa competition. Managed by Star Magic si Darren ang youngest performer to fill-up MOA Arena ng mag-concert siya noong may 2015.

Jayda at Darren

Bilang recording artist ay nag-double platinum ang kanyang debut album titled Darren. Nasundan ito ng paglabas niya sa The Hows Of Us starring Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Mahirap man gawin ay ipinagpatuloy ni Darren Espanto ang kanyang pag-aaral. Kaga-graduate lang niya ng high school or grade 12 sa homeschool of Asia Pacific with honors. Idagdag na din ang dalawang awards- the Achiever Award and Excellence in Music and Arts na iginawad ni Mrs. Beverly Santos-Alarcon, directress ng HAP na affiliate ng Sanston Academy sa Texas.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa Canada nagsimula ang singing career ni Darren when he joined The Next Star’ isang reality show. Two years later nakipagsapalaran siya ng sumali sa The Voice Kids Philippines. Dito na nanirahan ang buong pamilya ni Darren.

Ang 18 year old na si Darren ay close kay Jayda na anak ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Close lang daw sila bilang magkaibigan.

-REMY UMEREZ