ANG tarush ni Angel Locsin dahil napasama siya sa Forbes’ 13th annual Heroes of Philanthropy list kasama ang 30 outstanding altruists sa Asia-Pacific at ka-level na niya si Hans Sy ng SM Group.

Angel

Base sa report ng CNN Philippines ay isa si Angel sa nasabing listahan na tumutulong parati sa mga nangangailangan at hindi niya ito ipinangangalandakan sa media, natataon lang na may mga nagpi-picture sa kanya at inilalabas sa social media.

Pero kung hihingan mo ng panayam si Angel ay nakatikom ang bibig nito dahil ayaw niyang pinag-uusapan ang mga ginagawa niyang pagtulong sa likod ng kamera.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Base sa pahayag ng Forbes’, “Our aim is to highlight those giving their own money, not their company’s (unless they are the majority owners of a privately-held firm.”

Bumagay nga ang pangalang Angel dahil sa pagiging generous nito na nagbigay ng isang milyong donasyon bukod pa sa personal nitong pagdala ng relief goods sa mga biktima ng lindol sa Mindanao noong Oktubre.

Nabanggit ding umabot na sa P15 million ang donasyon ng aktres para sa educational scholarships at aid sa typhoon victims.

Ang ibang kasama sa listahan ng Forbes’ ay sina Jack Ma ng Alibaba, Korean actress and singer IU, Azim Premji, founder at chairman of Indian tech firm Wipro; at Jeffrey Cheah, chairman of Malaysia’s Sunway Group, Triputra Group founder Theodore Rachmat, JN Projects founder Judith Neilson, Fortescue Metals Group chairman Andrew Forrest, Minderoo Foundation cofounder Nicola Forrest, Nicola Forrest, Long Thanh Golf Investment and Trading Joint-Stock Company’s Le Van Kiem at Tran Cam Nhung, Amorepacific Group CEO Suh Kyung-bae, Hengyu Group founder Gong Junlong, Green City Group chairman Wu Yuanxi at Hanking Group chair Wu Yuangang, and Hexaware Technologies’ Atul Nishar formed part of the list of 30 philanthropists for the year.

-REGGEE BONOAN