HUMABOL ng birthday greetings si Sharon Cuneta kay Robin Padilla na ni-repost ni Robin sa kanyang Instagram (IG). May nakasulat sa itaas na “Forgiven” na ang ibig sabihin, pinatawad ni Robin si Sharon sa late birthday greetings nito sa kanya.

Robin Sharon

Post ni Sharon: (Eto na po kahit late @robinpadilla! Huwag na po tampo) BELATED HAPPY BIRTHDAY, ROBIN! I wish you continued happiness in both your family life and career. More success and blessings! Friends (na uli) always.”

Sagot ni Robin, “Ayun!!!” at “Kumpleto na ang 50th birthday ng golden boy. Maraming maraming salamat sa iyong pagpapatawa sa akin napakahalaga nito lalo sa oras na ito ng ating buhay.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pati si Mariel Rodriguez, natuwa sa birthday greetings ni Sharon sa asawa at nag-post ng heart emoticon.

Anyway, nagpahabol si Sharon ng “Happy you are happy, Coy!” at may clue na project na gagawin nila ni Robin sa pinost na “@robinhoodpadilla sasaya kaya ang tem #malunggay next year?”

Malunggay kasi ang tawag ni Sharon sa supporters nila ni Robin at sa tanong niyang ito, mukhang may project uli sila ni Robin. Kapag natuloy at pelikula ito, hindi masusunod ang plano ni Robin na magretiro na sa showbiz.

-NITZ MIRALLES