Ang tweet ni Gabby Eigenmann na “Lord thak you...” ay dahil may bago siyang teleserye sa Afternoon Prime ng GMA-7, ang Bilangin ang Bituin. Nag-storycon na ito last Wednesday at ipinakilala ang main cast.

Sa storycon, ipinaalam na sa cast ang respective roles nila, bagay na hindi pa alam ng press. Kaya nagtatanong kami kung ang role ni Tirso Cruz III ba o role ni Miguel Rodriguez sa movie at original version ng Bilangin ang mga Bituin sa Langit ang gagampanan ni Gabby.

Pinost ni Gabby ang photos sa storycon at nag-comment siya ng: “Excited to be working with these people and esp with the one and only superstar Ms. Nora Aunor. Abangan nyo po ang Bilangin ang Bituin sa Langit soon sa GMA.”

First time makakatrabaho ni Gabby si Nora at first time rin yata niya na maidirehe ni Laurice Guillen, kaya doble ang kanyang excitement. Dagdag-excitement kay Gabby ang makapareha si Mylene Dizon na isa ring magaling na aktres.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Baka next week na raw sisimulan ang taping ng Bilangin ang Bituin na kasama rin sa cast sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Kyline Alcantara, Yasser Marta, at ang veterans stars na sina Divina Valencia, Isabel Rivas at Ms. Celia Rodriguez.

-NITZ MIRALLES