HAWIG sa totoong buhay nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban ang titulo ng pelikula nilang Unbreakable na idinirihe ni Mae Cruz- Alviar produced ng Star Cinema at mapapanood sa Nobyembre 27.

UNBREAKABLE

Bakit nga ba nagkakasira ang magkaibigan?

“Different reasons po, sometimes friends grow apart, sometimes may factor ng betrayals, sometimes they just want different things in life, siguro po ‘yun ang dahilan kung bakit nagkakahiwalay ang magkaibigan, and also believe that friendship is a commitment and if you commit to being friend with somebody kailangan mo ring panindigan ‘yun through thick and thin,” ito ang magandang pahayag ni Bea bilang si Mariel sa pelikula.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon naman kay Angelica, “Naniniwala naman ako na ang magkaibigan nagkaroon ng falling apart mas madaling ayusin ang mga bagay regardless kung malaki o maliit ‘yung naging problema. I think time will heal naman kahit naman siguro sa boyfriend mo o sa kaibigan mo kapag talagang nagamot mo na ‘yung mga sugat, I thinik kaya mo ng magpatawad and depende na lang sa inyo kung kaya n’yo pang tanggapin ang isa’t isa sa buhay ninyo.”

Hindi nabanggit kung kailan nagsimula ang pagkakaibigan nina Bea at Angelica pero nagkasama na sila sa teleseryeng Maging Sino Ka Man noong 2006 at isa si Ms Mae sa director noon kasama sina FM Reyes at Romilla Balmaceda.

Ang writer noon ng Maging Sino Ka Man ay si Vanessa Valdez at nasabi niya na sana muli niyang mak-trabaho sina Bea at Angelica kaya ang saya niya nu’ng pumayag ang dalawa na okay silang magsama sa pelikula at saka tinanong kung anong kuwento ng Unbreakable, “sabi ko it’s about the break-up of a friendship. This is story can relate of having friends kasi hindi naman lahat tayo ay ikinakasal o nagkaka-boyfriend, pero lahat tayo may kaibigan.”

Oo nga, kadalasan kasi na napapanood natin ay tungkol sa relasyon ng magkarelasyon na iniikot-ikot lang ang kuwento at iniiba-iba lang ang twist, pero ang tungkol sa pagkakaibigan ay wala pa.

Reunion nina Bea at Angelica ang Unbreakable pagkalipas ng 13 years.

“Puwede bang tanungin n’yo ako next week kung may nararamdaman na ako (hanash), ha, ha ,ha.

“Siyempre masaya, isa siya (Bea) sa pinapanood kong artista lalo na kapag may pelikula siya, gusto kong makita siya lagi sa big screen at ano na naman ‘yung ginawa niyang magic sa big screen, anong talent na naman ang ipinamahagi niya, ang sarap-sarap niyang panoorin kasi magaling siyang artista, nakakapit talaga siya sa role niya simula hanggang matapos sa pelikula.

“Ini-imagine ko na, ‘paano kaya kapag siya na ang katrabaho ko, paano kaya magdye-gel kaming dalawa kasi siyempre magkaiba kami ng style, magkaiba kami ng mga projects na ginagawa. On that note, ‘yun ang interest ko sa part na ‘yun.

“’Yung sa pagkakaibigan, mas malalim siya kasi ang ganda nu’ng story tungkol siya sa pagkakaibigan, sino pa ba ang magandang magkuwento nito kundi ‘yung may mga pinagsamahan din and ‘yung may mga pinagdaanan in the past at wala rin akong maisip na iba kundi si Bea ‘yun puwedeng mag-portray ng ganu’n klaseng role sa pelikulang ito kundi siya. Hindi ko ma-imagine na may iba akong kausap sa pelikula kundi si Bea lang,” mahabang sabi ni Angelica.

Biniro naman ni Bea si Angelica, “Ang bigat ng sinabi mo, mommy akala ko walking dead ka.

“Alam mo ‘yung salitang masaya na maka-trabaho siya, I think it’s an understatement kasi para sa akin, it’s an honor. Tuwing nag-e-eksena kami, yung mga ipinapakita niya nakakagulat ‘yung ipinapakita niya. Minsan nai-intimidate pa rin ako sa acting niya, iniisip ko, ang suwerte ko naman naka-trabaho ko si Angelica Panganiban.

“I’ve always want to work with her, I’ve seen her most of her films, alam mo ‘yung nagte-textan kami ng movie reviews sa isa’t isa. Saka kapag siya na ‘yung nag-text, alam mong totoo kasi hindi siya nag-echos na ‘uy ang galing mo diyan, so parang nagma-matter sa akin and to be able to do scenes with her, naiisip ko, ‘grabe na-achieve rin namin. Nagka-trabaho rin kami finally.

“Para sa akin to be able to love somebody who love and who is very passionate about her craft is a big thing for me, kasi ‘di ba ‘pag nag-uusap para kaming may sariling lengguwahe, nagkakaintindihan kami. Ang sarap kami ang dali ng trabaho.

“And speaking of friendship, ang saya na umabot kami sa ganito, napagdaanan namin ‘yung journey ng pagkakaibigan. I am excited for more, I am excited to know na kapag may pamilya na kami in the future na nag-uusap kami na dapat magkasabay tayong mabubuntis, ha, ha, ha.

“It’s a blessing itong movie because it’s a good movie and It’s a blessing din because this movie is to rekindle may friendship with Angelica,” magandang pahayag ni Bea.

Kasama rin sa pelikula sina Via Antonio, Joao Constancia, Anthony Jennings, Ian Veneracion, Rosanna Roces, Issa Litto, PJ Endrinal at Richard

-REGGEE BONOAN