Ni Edwin Rollon

‘We are ready and we will win as one’.

Ito ang payak, ngunit puno ng determinasyon na pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez – halos dalawang linggo bago ang pagsabak ng Philippine delegation laban sa world-class rivals sa 30th Southeast Asian Games.

RAMIREZ: Ready na ang atletang Pinoy

RAMIREZ: Ready na ang atletang Pinoy

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Maraming naging intriga, pero isinantabi natin lahat ‘yan because our purpose is to make sure that our athletes are ready and armed to the teeth comes the SEA Games,” pahayag ni Ramirez.

“Mabigat ang laban, sigurado ‘yan kahit tayo ang host country. Pero determinado ang ating mga atleta at kung pagbabatayan natin yung mga achievement ng ating mga atleta sa abroad at sa kanilang training, may laban tayo for the Top 3 hindi man makuha uli ang overall title,” aniya.

Huling napagwagihan ng Team Philippines ang overall championship noong 2005 edisyon. Nagkataon, si Ramirez din ang PSC Chairman nang mapagtagumpayan ng atletang Pinoy ang SEAG.

“Hindi tayo nagkulang. Tulad ng habilin sa amin ng Pangulong Duterte, ibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga atleta,” sambit ng tumatayo ring Chief of Mission ng Philippine Team.

Bukod sa ginawang pagbabago sa pagbibigay ng monthly allowances, siniguro rin ni Ramirez na makukuha ng mga atleta ang tamang nutrisyon matapos ipatayo ang bagong athletes canteen sa Rizal Memorial Sports Complex at Philsports, sa pangangasiwa ni PSC Chief nutritionist Karen Pineda.

“Pinalakas natin ang ating medical team, meron tayo diyang Psychologist, nutritionists at 24-hour medical team. We’re closely coordinating also sa Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO) headed by Dr. Alejandro Pineda.”

Sa konstruksiyon ng pasilidad sa RSMC, sinabi ni Ramirez na matatapos ito bago ang pagdating ng mga atletang kalahok para sa SEAG sa Nobyembre 30 hanggang Dec. 11.

Samantala, isinantabi ng mga opisyal at volunteer ang pagbuhos ng ulan para isulong ang second leg ng torch run sa SEA Games nitong Sabado sa  Cebu South Coastal Road.

Pinangunahan nina PSC Commissioner Ramon Fernandez, Cebu native triathlete Andrew Kim Remolino,  skater Tom Romualdez, at Karatekas Sarah Pangilinan at OJ delos Santos ang pagbitbit sa sampaguita-inspired torch na desenyo ni artist-sculptor Daniel dela Cruz.

Samantala, ipinahayag ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng ‘gun ban’ sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON at La Union simula November 20 hanggang December 14.