Rehabilitasyon sa RMSC tapos sa Nobyembre 12

Ni Annie Abad

MANANATILI ang kislap at porma ng makasaysayang Rizal Memorial Coliseum. At hindi pahuhuli ang Juan Arellano-designed sa mga makabagong sports center na kayang mag-host ng world-class basketball competition.

NILINAW ni PSC Chairman William Ramirez (ikalawa mula sa kaliwa) na pondo ng PAGCOR at hindi ng PHISGOC ang ipinantustos sa rehabilitasyon ng Rizal Memorial Coliseum (kanan) sa ginanap na media briefing kahapon na dinaluhan din nina PSC Commissioner Charles Maxey, Celia Kiram at Arch. Gerald Lico.

NILINAW ni PSC Chairman William Ramirez (ikalawa mula sa kaliwa) na pondo ng PAGCOR at hindi ng PHISGOC ang ipinantustos sa rehabilitasyon ng Rizal Memorial Coliseum (kanan) sa ginanap na media briefing kahapon na dinaluhan din nina PSC Commissioner Charles Maxey, Celia Kiram at Arch. Gerald Lico.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The Coliseum is an old building, hindi natin puwedeng stretch out yung sitting capacity nito, but in terms of structure and stability, hindi ito pahuhuli,” pahayag ni

Arch. Gerald Lico sa ginanap na media conference kahapon sa Philippine Sports Commission (PSC) administration building.

Ayon kay Lico, doble kayod ang kanyang mga tauhan upang masiguro na matatapos ang rehabilitasyon ng pinakamatandang coliseum sa bansa  bago ang hosting sa 30th Southeast Asian Games.

‘By now, I can say 85 percent na ang ating nagawa at ready na ito sa Pep Rally on November 13,” sambit ni Lico, aral sa mga likhain ng pamosong arkitekto na si Juan Arellano.

“Naging bahagi po ako sa rehabilitasyon at gawa ng iba pang structure ni Juan Arellano, tulad ng dalawang building sa UP Diliman at sa Metropolitan Theather sa Lawton.

“Ang tiyak po natin sa sambayanan na modernong Rizal Memorial Coliseum ang matutunghayan natin pero mananatili ang historical face nito mula sa orihinal na gawa ni Juan Arellano,” aniya.

Ipinasilip ng PSC sa pangunguna ni Chairman at Chef de Mission ng Team Philippines William ‘Butch’ Ramirez sa media ang pagkukumpuni sa buong Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

Ikinalugod ni Ramirez ang mabilis na paggawa, sa kabila ng maselang pagsinop sa mga bahagi ng makasaysayang sports venue.

Nilinaw din ni Ramirez na ang perang ginastos para sa rehabilitasyon ng nasabing venues na nagkakahalaga ng P842 milyon ay buhat sa Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at hindi bahagi ng P6Bilyong  pondo ng Phisgoc para sa preparasyon ng biennial meet.

"Actually, 'yung rehabilitation ng Rizal Memorial Sports Complex, is not a part of SEA Games, preparation. Tumulong lang ang PSC sa PHISGOC dahil nangangailangan sila ng venues for SEA Games, so we volunteered 6 venues, 'yung Rizal Memorial, Ninoy Aquino,Philsports,  Tennis court, Football, at 'yung Table Tennis and pati 'yung squash racket actually share sila ng table tennis sa venue," paliwanag ng PSC chief.

"Hindi ito pera ng PSC, pera ito ng PAGCOR," ayon pa kay Ramirez.

Kabilang sa mga binagong kagamitan sa RMSC at Philsports ay bagong air-conditioning, kabilang ang bagong mga upuan gayun din ang flooring na aprubado ng FIBA para sa mga darating na laro.

Ang Tennis court naman ay may bagong rubber na flooring, ilaw at bagong tayong mga bleachers at palikuran, habang ang RMSC Aquatic Center naman ay may bagong scoreboard, pati na ang touchpads, starting block at diving board.

Ang pagsasagawa sa mga nasabing sports facilities ay alinsunod na pa rin sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte at hindi lamang para sa paghahanda ng hosting ng bansa para sa biennial meet.

"This is a part of the President's directive orders and kasama ito sa master plan. And not just a part of SEA Games hosting," paglilinaw ni Ramirez.

Ang nasabing rehabilitasyon ay bahagi din ng National Historical Commission of the Philippines, kung saan nagsasaad na ang RMSC ay bahagi ng national historical landmark ng Maynila.