SCENE stealers ang aso sa Hollywood movies like Lassie, Benjie, 101 Dalmacians, Marley And Me, Hootch and the recent A Dog’s Purpose.
Sa Britain’s Got Talent, bumibida at pinapalakpakan ang mga well trained asong kalahok as they perform acts that humans do. Napapatayo at todo palakpak ang mga hurado.
On the local front ay mabibilang sa daliri ang nagpo-produce ng ganitong uri ng pelikula. Lakas-loob itong ginawa sa current movie “Unforgettable” na kung saan ang co star ni Sarah Geronimo is a dog named Milo.
Sa preem ng Unforgettable ay todong naaliw ang audience sa iba’t ibang acts na ginawa ni Milo. Kayang-kaya niyang mag-play dead, Roll, Spin non-stop at tanggalin ang medyas ng kanyang master. At sa pagpo-promote ay kasama din si Milo sa pelikula ang may misyon si Sarah at na-achieve ito sa tulong ni Milo taglay ang mga eksena na mapapaluha ang mga moviegoers.
Matapos gawin ni Sarah ang Miss Granny ay hiniling niyang a project about a dog ang gawin niya at ang naging resulta ay “Unforgettable” sa konsepto at co-direction nina Jun Lana at Perci Intalan para sa Viva films
-REMY UMEREZ