MISSED na ng mga fans nila ang magka-love team na Bianca Umali at Miguel Tanfelix, kahit kailan lamang natapos ang kanilang huling epic serye sa GMA Network, ang Sahaya. Kaya para sa mga fans nila at iba pang netizens na gusto sila muling makitang magkasama sa isang project, binigyan ang magka-love team ng Halloween special para sa number one fantaserye ng GMA Network, ang Daig Kayo Ng Lola Ko.

Bianca at Miguel

Puwede bang magkaroon ng love story sa pagitan ng isang multo at isang buhay na tao? Ito ang mga roles na gagampanan nina Bianca at Miguel. Sino kaya ang tao at sino ang multo sa kanilang dalawa?

Mabubuo muli ang triangle nina Bianca, Miguel at Migo Adecer after ng “Sahaya.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

At kasama pa rin nila sa episode sina Pauline Mendoza, Anjo Damiles, Glenda Garcia at Ge Villamil.

Titled Love from Beyond, magsisimula nang mapanood ang month-long Halloween special simula sa Sunday, October 27, after ng Amazing Earth hosted by Dingdong Dantes at bago ang The Clash.

-NORA V. CALDERON