STUTTGART – Gold sa floor exercise ang inaasam ni Carlos Edriel Yulo sa simula ng apparatus finals Sabado sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships dito.

Gusto ni Yulo na higitan ang bronze finish niya sa floor exercise sa World Championships sa Doha, Qatar noong 2018.

“Gusto ko po talaga maka-gold ngayon. Para sa aking pamilya at kay coach Mune,” sabi ni Yulo matapos mag-seventh overall siya sa apparatus sa score na 14.633 points, mas mataas sa 14.600 niya sa Doha.

Ang tinutukoy niyang Coach Mune ay ang Japanese mentor niya na si Munehiro Kugimiya, na humubog sa Filipino upang maging world-class gymnast.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Hindi naman na-disappoint si Kugimiya. Naka-gold si Yulo sa opening leg ng FIG Individual Apparatus World Cup noong Enero sa Melbourne, Australia.

Pasok na si Yulo sa men’s all-around event ng 2020 Tokyo Olympics.