ANG post ni Jennylyn Mercado sa Instagram ang nagkumpirma sa pagkapili sa kanya na gumanap sa role ni Dr. Maxine dela Cruz sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun at leading lady ni Dingdong Dantes.
“Hi everyone. Minsan lang ako mag-post about my projects and hindi ko mapigilan ang sarili ko. I am super happy to portray Dr. Maxine Dela Cruz of Descendants of the Sun The Philippine Adaptation. When I heard they started taping already and preparing for the soap, ako din na curious kung sino nga ang napili para sa role. When I learned that it was me, I was overwhelmed with gratitude for GMA’s trust and also pressured since I know how big this project is. I promised I would do everything to give justice to the role. I won’t let you down. Pangako.”
Ang daming nag-congratulate kay Jennylyn na kapwa Kapuso stars kabilang sina Megan Young, Jerald Napoles, Shaira Diaz at ang boyfriend ni Jennylyn na si Dennis Trillo. Aprubaodo rin ng netizens ang pagkapili sa kanya sa role ng leading lady ni Dingdong.
Nagsimula nang mag-medical training si Jennylyn para mas tama niyang magampanan ang role ni Dr. Maxine dela Cruz. Basic life support training ang ginagawa niya sa guidance ng Armed Forces of the Philippines Health Service Command (AFPHSC).
-NITZ MIRALLES