Napagkasunduanng RnB singer na si Jay R at ng girlfriend nitong si Mica Javier na sa susunod na taon, sa 2020 na sila magpapakasal. Parehong abala ang dalawa sa kanilang mga career. May tinatapos na album ang singer, samantalang si Mica nama’y kasama sa seryeng Los Bastardos.

Mica at Jay R

“Wala pa akong masyadong details na maaring ibigay, pero next year na siya 2020, summer,” pahayag ni Mica.

Ayon pa sa GirlTrends member ng It’s Showtime, at anak ng may-ari ng Andok’s, napagdesisyunan nilang magkasintahan na rito na lang sa Pilipinas ganapin ang seremonya upang magbigay-daan sa kanilang guests.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

“Kasi beach siya, beach wedding. Sa Pilipinas (mangyayari), huwag na nating pahirapan (ang mga pupunta). Ang laki kasi ng family namin both,” dagdag niya.

Looking forward sa nalalapit nilang kasal, hindi maitago ni Mica ang kanyang excitement nang tanungin tungkol sa kanilang paghahanda ni Jay R para sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

“Madali siyang process kasi maaga siyang nasimulan, I’m just very excited. Sobrang chill lang namin ni Jay R, pa-simple lang kami pero sa totoong buhay marami nang nangyayari to fix and finalize kung ano ang gagawin namin,” sabi ng all-female group member.

“Lahat ng gusto naming dalawa pinag-uusapan namin. Kung may idea ako na gustong gawin, kailangan kong ipa-approve muna sa kanya and ‘yung personality namin medyo simiilar ang taste namin ni Jay R,” pahabol pa niya.

Taong 2018 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang engagement mahigit limang taon matapos silang maging official couple.

-Ador V. Saluta