NAKARAMDAM na ng separation anxiety o sepanx si Angel Locsin sa final mall tour ng cast ng The General’s Daughter sa Ayala Malls South Park (Alabang) nitong Linggo ng hapon kasama sina JC de Vera, Ryza Cenon, Ronnie Alonte, Loisa Andalio at Paulo Avelino.

ANGEL LOCSIN

Hindi mahulugan ng karayom ang nasabing mall at base sa litratong pinost ni Angel sa kanyang Instagram account ay tila nakatuntong siya para malapitan ang lahat ng nakisaya sa kanila habang nakapalibot ang marshals para alalayan siya.

Caption ng aktres, “Last mall show for TGD sepaaaaanx. Happy Sunday indeed (heart emoji). Thank you everyone who joined us on our final mission earlier! Much love. Last one week, guys! Walang bibitaw @dreamscapeph #TGDGrandFarewell #TheFinalMission #The General’sDaughter #TGD.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa ginanap na #TGDSalute mediacon ay nabanggit ni Angel na halos lahat sila ay nakakaramdam ng sepanx dahil mami-miss nila ang isa’t isa sa mahigit isang taon nilang magkakasama sa tapings.

Unang project ito ni Angel sa Dreamscape Entertainment kaya pinasalamatan niya nang husto ang head nitong si Deo T. Endrinal dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya para sa napakalaking proyekto.

“Gusto kong magpasalamat sa Dreamscape, especially kay Sir De (Endrinal) for trusting me. Nu’ng time na ‘yun, parang hindi naman ako dapat magtatrabaho pa, eh, pero nu’ng nakausap ko si Sir Deo, pinagkatiwalaan niya ako. Siya lang ang nagtiwala sa akin na gumawa ng action kasi lahat takot, eh.

“Ito po ang unang teleserye ko, unang soap ko sa Dreamscape. Inalagaan po talaga nila ako nang husto, binigyan nila ako ng kasama na de-kalibre, mababait. Kumbaga, ang galing nilang maghanap ng tao kung sino ang magsa-swak kahit sa staff. Ito ang first experience ko sa Dreamscape ay sobrang memorable. Isa po ito sa mga minahal kong shows. Iilan lang po iyon,” kuwento ng aktres.

At sa sobrang pagmamahal ni Angel sa co-stars niya sa TGD ay nagbiro siyang puwede

Nagbiro pa siyang gagawin niya nang libre ang isang project kung makakasama niya ang co-stars niya sa The General’s Daughter.

“Kung mayroon pa pong pagkakataon na pagsama-samahin kami dito para magkatrabaho, gagawin ko po for free. Ganoon ko po sila kamahal at inirerespeto,” nakangiting sabi ng aktres.

Dagdag pa, “For one week lang po, ha. Ganoon ko po sila kamahal.”

Hindi rin naman nagkamali ang Dreamscape head sa pagkuha kay Angel para sa The General’s Daughter dahil simula umpisa hanggang sa nalalapit nitong pagtatapos ay napanatili nitong mataas ang ratings.

At sa katunayan ay may dalawang gabing natalo nito ang FPJ’s Ang Probinsyano, ang eksenang namatay ang ‘papang’ ni Elai (Arjo Atayde) at ang huling gabi nila ng nanang (Maricel Soriano) niya.

Kaya naman hiningan ng reaksyon si Angel tungkol dito.

“Una sa lahat, lahat kami dito I think lahat naman tayo fan ng Ang Probinsyano. Walang makakatalo sa apat na taon, sa mahabang itinakbo nila, na namamayagpag ang ratings nila.

“Kung ano ang nagawa namin, may influence ang Probinsyano so utang din namin ito sa kanila. Ang sa amin, teamwork lang. Parehong Dreamscape ang Probinsyano, at General’s Daughter,” katwiran ng dalaga.

Anyway, huling mission na ngayong linggo ng The General’s Daughter na napapanood sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

-REGGEE BONOAN