MAY appreciation post si Ara Mina patungkol kay Sarah Geronimo na first time niyang makatrabaho sa pelikulang Unforgettable.

Sarah, Ara Mina at Meg

“Last shooting day of #UNFORGETTABLE movie. It’s my first time to work with Sarah and 2nd movie naman namin ni Meg (Imperial). Happy to work with them ang gaan gaan ng set at well organized, mula production, staff and sa directors namin @junrobleslana @percinotpercy. Sana makatrabaho ko po kayo ulit.

Kay Sarah naman ang masasabi ko lang isa sya sa pinakahumble na artista na nakilala ko. Tahimik sya, hindi pa diva tulad ng iba kahit baguhan pa lang (that’s the reality in our industry) marami rin kasi akong na witness na nagbago nung sumikat na or kahit matagal na ng artista at nabigyan ng break ulit nagbabago pa rin sila (sad to say). Pero ikaw Sarah may karapatan kang maging diva pero hindi. Maraming salamat for being nice, kind, professional and down to earth. Isa kang totoong to. Saludo ako sayo. Kaya ka blessed.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Kay Meg happy ako pag nagkakatrabaho tayo and parang kapatid na rin ang turing ko sayo. And you know that I’m always here for you. Love you!”

Co-produced ng Viva Films at The IdeaFirst Company ang Unforgettable na showing simula sa October 23. Bukod kina Ara at Meg, kasama rin sina Yayo Aguila, Ms. Gina Pareño at maraming guests kabilang sina Regine Velasquez, Anne Curtis, Marco Gumabao at Tirso Cruz 111.

-Nitz Miralles