ISANG very reliable source ang nagtsika kay yours truly na muli raw ire-revive sa mundo ng telebisyon ang pinasikat na tv show noon ni Kuya Germs (SLN) – ang That’s Entertainment na kung saan ay maraming kabataang artista noon ang sumikat at hinangaan ng madlang pipol.
At sinex daw ang magpo-produce nitey sa boob tube?
Well, ang tsika ng reliable source namin…wala raw iba kundi si Harlene Bautista ng Heaven’s Best Production na siyempre kasama na rin dito si QC Ex-Mayor Herbert Bautista at si QC Councilor Hero Bautista.
Thru Facebook ay nag-pm si yours truly kay Harlene kung totoo ba ang tsika na ire-revive nilang magkakapatid ang now defunct That’s Entertainment show?
“Ay, hahaha..sino po ang nagsabi sa inyo niyan?” ang FBPM back ni Harlene.
“A very reliable source. If true pls. give me updates para maisulat ko at malay nyo, makagawa uli kayo ng mga artistang pinasikat ni Kuya Germs sa kanyang That’s Entertainment like si Isko Moreno na Manila Mayor na ngayon, ‘di ba?” pm uli ni yours truly via FB kay Harlene.
Waley na siya reply. Nakalagay lang..seen by Harlene.
So if silence means yes….yeyyy, for sure mabubuhay ang dugo ng mga kabataan na matiyagang nagwo-work shop sa acting, dancing and singing sa iba’t ibang workshop school of acting in pernes.
Kasi tipong naging negosyo na rin dito ang mga acting school of workshop na karamihang gumagastos na daig pa ang tuition fee nang ilang eskuwelahan natin ay ang mga parents na gustong-gustong pag-artistahin ang kanilang mga dyunakis from age 7 pataas.
At sa ilang acting workshop na napuntahan ni yours truly ay nasaksihan ko na tipong enjoy naman ang mga bagets sa kanilang ginagawang acting lessons at yung iba naman ay sa singing and dancing lessons lalo na yung mga teenagers na.
Kung sabagay, dito kasi sa ating bansang ‘Pinas, ang obserbasyon lang namin, halos karamihan sa yumayaman ay politicians at artista lalo na yung mga biglang sikat na nakukuha agad sa mga product endorsements kung kaya biglang yayamanin agad sa true lang. Heard kasi na mas mataas ang talent fee as in milyones daw nang artistang may product na ini-endorso sa TV, radio at maging sa billboards. Mas sikat mas mataas ang talent fee kaya boom na boom ang kanilang kabuhayan package.
Yun na!
-MERCY LEJARDE