BUKOD sa taglay niyang good singing voice ay keri din pala ni Popster Sarah Geronimo ang umindak ng “Budots” dance moves na kanyang ipinakita nitong nakaraang Linggo sa The Voice Kids season 4 ng Kapamilya Network.

Ginawa niya ito nang lumapit siya sa harapan ng nine-year-old na si Yshara Sepede na katunog ng pangalan niya.

Yshara is from Davao City at last Sunday nga, became a three-chair turner as she performed Moira dela Torre’s song titled Tagu-Taguan. Napaka-suwabe ng timbre ng boses niya kaya naman lahat ng judges - Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo - ay halos sabay-sabay umikot para sa bagets.

Si Bamboo ay dinala pa si Yshara sa kanyang upuan at pinaupo na tipong dapat siya ang piliin nito para masama sa Team Bamboo.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

“Ang nagustuhan ko, ‘yung boses mo. Hindi na pinag-uusapan ‘yon. We turned for your voice,” sabi ni Bamboo kay Yshara.

Lumapit din sina Lea at Sarah at kinumbinse si Yshara to join their respective teams.

Pero ang talagang nakakaaliw ay nu’ng lapitan ni Sarah itong si Yshara at pareho silang nagsayaw ng “Budots” dance moves kaya palakpak to the max ang mga kasamang tiyahin nitong si Yshara, bago ibinuking ng bagets na lahat ng kanyang tiyahin ay Popster fanatics.

And ending, sa Team Sarah napunta si Yshara joining another contestant named Angela Ragasa na lalong ikinatuwa ng girlfriend ni Matteo Gudicelli, sa true lang.

“Alam mo, tagahanga mo ako, ngayon pa lang. Grabe ka,” ang paluhod na sabi ni Sarah kay Yshara.

Dagdag pa ni Sarah, “Alam n’yo, bihira ‘yung mga ganitong klaseng bata na talagang natural lang po ‘yung feel. ‘Yung kung paano niya dalhin ‘yung kanta, hindi planado, hindi aral, kaya gifted ka Yshara .

“Alam mo, gustung-gusto kitang makatrabaho Yshara. Sana bigyan mo ako ng chance. Congratulations.”

O, ha, Sarah Geronimo na ‘yan pero nagmistulang fan pa rin siya ni Yshara, in fairness.

Well, lahat naman tayo ay may hinahanggaang tao. At gano’n rin naman ang mga artista, singers, or sabihin na nating lahat din ng celebrities all over the world. Natural lang ‘yon sa ating lahat, ika nga.

Eh, itong si Yshara ay naging prangka naman sa pagsasabing “idol” niya si Sarah kasi daw hindi ito bumibirit ng kanta that broke the house down at pati sina Coach Lea at Coach Bamboo ay hindi rin napigilang pumalakpak with matching “ooohhhh” comments on the side.

Kaya itong si Yshara for sure ay makakasama na sa grand finale night of The Voice Kids season 4 under Team Sarah. ‘Yon na!

-MERCY LEJARDE