Standings       W   L

San Beda        6    0

LPU                6    1

CSB                5    1

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Letran             5    2

SSC-R            2    3

Mapua            3    5

JRU                 3    5

Perpetual         2    5

Arellano          1    6

EAC                1    6

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

12 n.t. -- SSC-R vs Letran (Men)

2:00 n.h. -- EAC vs Perpetual (Men)

4:00 n.h. -- LPU vs San Beda (Men)

ITATAYA ng defending champion San Beda University ang kanilang pamumuno at malinis na kartada sa pagsabak ngayon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 95 Men's Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nakatakdang makatunggali ng Red Lions ang 2-time runner-up Lyceum of the Philippines University sa finals rematch sa huling laro ngayong 4:00 ng hapon.

sanbeda

Ang Red Lions na lamang ang nag-iisang koponang wala pang talo matapos ang anim na laban.

Nasa likod naman nila ang Pirates taglay ang markang 6-1, at nakakalimang sunod ng panalo matapos mabigo sa ikalawa nilang laro.

Muling masusubok ang kasalukuyang backcourt tandem ng Red Lions na sina Evan Nelle at James Canlas sa pagtapat nila sa beteranong backcourt ng Pirates-ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino.

Matinding tapatan din ang inaasahang mamamagitan kina last season Finals MVP na si Donald Tankoua ng San Beda at si Mike Harry Nzeusseu ng Lyceum.

Mauuna rito, magkakasubukan sa unang laban ganap na 12:00 ng tanghali ang San Sebastian College at ang Letran bago ang tapatan ng Emilio Aguinaldo College at University of Perpetual ganap na 2:00 ng hapon.

Tatangkaing patibayin ng Knights (5-2) ang kapit sa ika-4 na posisyon habang magkukumahog namang makabangon.ng Stags sa pagkakasadsad sa tatlong sunod na kabiguan.

Samantala, kapwa naman.msgsisikap na makaahon.mula sa kinalalagyang buntot ng standings ang ang magkatunggaling Generals (1-6)at Altas, (2-5). Marivic Awitan