PINAHANGA ni Angel Andal, contestant sa The Voice Kids ang coaches na sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo sa blind edition ng kumpetisyon, Linggo ng gabi.

Sarah at Angel

Hindi tuloy naiwasan ni Sarah na mapa-throwback sa karanasan niya no’ng bata pa with matching baliw-baliwan acting on the side. Sabi niya kay Angel, “Alam mo no’ng kinanta ko ‘yang song na ‘yan no’ng bata pa ako, I was 6 years old then, pinagsuot nila ako ng punit-punit na damit tapos nakaipit pa ng plastic ang buhok ko.

“Tapos gumanu’n-gano’n pa ako (at this juncture ay inikot-ikot niya ang kanyang katawan at ulo habang nakaupo sa kanyang chair bago biglang tayo sabay sabi uli ng) tapos pagkatapos kong kumanta (tumayo siyang muli), sino? Sino ang baliw? Sino?”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nagtawanan naman ang sina Coach Lea at Bamboo at audience, pati si Angel ay nadala rin,

“Artista ka na pala no’ng bata ka,” sabi ni Leah kay Sarah, na sinagot ni Sarah ng “Opo”.

Maganda rin ang naging mensahe niya kay Angel pagkatapos ng performance niya.“Napaka-special mo Angel. Bihira dito ‘yung talagang nag-a-audition dito na pinapabilis ‘yung mga tibok ng puso naming mga coaches dito at ng mga tao. You’ve just became the song. ‘Yung song na ‘yon kasi, eh, ang taas ng expectations ko diyan. I think ‘yung special na katangian mo na mayroon ka bilang singer is honest lang ‘yung pagko-connect mo. Naiintindihan mong mabuti ‘yung mensahe ng kanta. Ang lalim kasi, eh, kasi kung hindi mo naiintindihan, hindi magiging sinsero ‘yung pagka-connect mo sa mga puso namin at isang malaking karangalan kung bigyan mo ako ng chance na makatrabaho ka.”

Sa huli ay napunta si Angel sa Team Sarah. Umeere ang ikaapat na season ng The Voice Kids sa Kapamilya primetime tuwing Sabado at Linggo hosted by Toni Gonzaga and Robi Domingo.

-MERCY LEJARDE