TULOY ang reporma sa Philippine Olympic Committee (POC) at kabilang sa pagbabago ang pagpili kay Philippine Football Federation President Nonong Araneta bilang Chief of Mission ng Team Philippines sa 2020 Tokyo Olympics.

Pormal na ipinahayag ni POC president Bambol Tolentino ang pagpili kay Araneta sa ginanap na General Assembly – kauna-unahan matapos ang naganap na election nitong Hulyo 28 – sa Diamond Hotel sa Manila.

Dumalo sa pulong ang 35 opisyal at kinatawan ng National Sports Associations (NSA), kabilang din sina International Olympic Committee representative to the Philippines Mikee Cojuangco- Jaworski at Frankie Elizalde.

Pangungunahan ni Araneta ang plano at programa para sa paghahanda ng atletang Pinoy na magkwalipika sa Tokyo Games at tuldukan ang mahabang panahong kabiguan na makamit ang unang gintong medalya sa Olympics.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I’ll do my best. Whatever assignment given to us, we just have to do our responsibility,” sambit ni Araneta.

Nakatakdang dumalo si Araneta, na-appoint ding chairperson ng Asian Football Finance Committee (2019-2023), sa limang araw na Chief of Missions meeting sa Tokyo, Japan.

“Hopefully after that CDM (Chef de Mission) meeting, I will be able to report on the next steps for our Olympic preparations,” aniya.

Sa kasalukuyan, wala pang Pinoy ang kwalipikado sa Tokyo Games. Sa Rio Olympics noon g 2016, nagwagio ng silver medal si weightlifter Hidilyn Diaz.

-Kristel Satumbaga