SIMULA nang magkasakit at matanggap ni Kris Aquino na lifetime na ang gamutan ng kanyang urtecaria o autoimmune disease, sinisikap niyang maging normal pa rin kahit na papaano ang buhay nilang mag-iina.

Kris (DINDO STORY)

Paborito nilang magtungo sa Japan dahil bukod sa hiyang sa katawan niya ang klima roon, nakakapaglakad-lakad, nakakapamili o nakakakain sina Joshua at Bimby saan man nila gustuhin.

Yes, maging sa maliliit na restaurants.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Natutuwa si Kris na nagiging paborito ng dalawang anak ang sandwich ng ordinaryong convenience store sa Tokyo.

Noon pa niya pinangarap na maranasan din nila ang ordinaryong buhay. Goal ni Kris ang pagkakaroon ng simpleng buhay, at natutuwa siyang ikuwento sa inyong abang lingkod ang progress niya.

Siyempre, dahil sanay sa alta sociedad marami ang nakakatuwang maliliit na pangyayari.

May constant communication kami ni Kris, at sa katunayan ay alam ko na agad ngayon sa unang pangungusap pa lang kung malungkot o masaya siya.

Happy si Kris kapag bumati siya ng, “So we can giggle” tulad kahapon.

Innate storyteller ang online empress, kaya lagi akong excited sa mga kuwento niya tungkol man ito sa world news o takbo ng pulitika sa iba’t ibang bansa na sinusubaybayan niya o sa mga simpleng bagay na tulad ng stationery, ballpens o Zen books na binabasa niya.

Kuwento ni Kris kahapon, gumawa siya ng account sa Facebook dahil gusto niyang mag-reply sa followers na nagkokomento sa posts niya.

Kumpara kasi sa Instagram na siya mismo ang may hawak, may administrator na nagpapatakbo ng FB account niya.

“Jonathan (Velasco) taught me,” kuwento ni Kris at idinugtong na strictly private ang settings ng kanyang bagong account.

“So last night nag-effort to reply,” kuwento pa niya. “’Ni-report ako. Feeling nila fake na Kris Aquino. Disabled na my account.”

Tawa ako nang tawa.

“And all I wanted to do was reply. So laugh tayo. And you can tell them -- si Kris in wanting to interact hindi pinaniwalaan na siya si Kris.

“So pag-uwi ko, aayusin my phone para I can now reply sa official account.”‘Yan si Kris, napagsuspetsahang poser ng sarili.

Kaya kung sinuman ang fans na nag-report sa FB, naaliw at na-cute-an si Kris sa ginawa ninyo, ha-ha!Next week ang uwi niya sa Pilipinas.

-DINDO M. BALARES