HUMUBOG ng mga dekalibreng atleta ang target na malikha ng Philippine Sports Commission (PSC) buhat sa mahigit 27 milyong estudyante na nasa ilalim ng programang K-12.

Sisimulan ng nasabing ahensiya sa pangunguna ni PSC chairman Butch Ramirez na magbigay ng dekalibreng edukasyon sa mga 100 coaches at trainers sa pamamagitan ng United States Sports Academy (USSA) upang magsanay.

Ayon kay Ramirez, makikipag-tulungan siya sa ilang mga ahensiya g gobyerno, gayundin sa Siklab Foundation na pinamumunuan ni Presidential Adviser for Sports na si Dennis Uy upang maisakatuparan ang nasabing proyekto.

Matatandaan na nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakaraang State of the Nation Address ang pagpapagawa ng national sports academy, upang tumulong na makapaghubog ng dekalibreng atleta.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“`We have 27 million in our hands from 43,000 schools all over the country. If we focus on providing these 27 million kids with qualified coaches and trainers, you can predict that there will be good athletes coming from them,’’ pahayag ni Ramirez.

Kabilang sa mga ahensiya na makakatuwang para sa pagtupad ng proyekto ay ang Department of Education, Commission of Higher Education, ang local government unit ang Siklab Foundation at ang USSA.

Ang 100 coaches at trainers ay magmumula sa listahan na isusumite ng DepEd buhat sa iba’t ibang rehiyon ng bansa kung saan ay bibigyan sila ng kabuuang anim na araw ng lecture at coaching clinic sa pagtuturo ng USSA at ng PSC ngayong Agosto 19 sa Philippine Sports Institute (PSI) sa Philsports sa Pasig.

Sinabi ni Ramirez na ang nasabing proyekto ay kagaya lamang ng pagpapatakbo ng Cuba sa kanilang programa.

“Cuba is not a rich country. But it has a sports institute where all their coaches graduated before training their athletes. It’s basically the same program all over Europe, the United States and Australia, pahayag ni Chef de Mission ng Team Philippines na si Ramirez.

Ayon kay Dr. Serge Opena na siyang consultant ng PSI para sa national grassroots program na malaki ang maittulong ng mga gobyerno ng ahensiya sa pagtupad ng layuning ito.

``We need the help of Deped and the LGUs and multiply ourselves in the regions. In two years, the core faculty will be around 300 trainers and coaches, all of them graduates of the PSC-USSA program,’’ pahayag ni Opena.Makakatuwang din ng PSC para sa nasabing programa ay si Prof. Henry Daut, ang deputy national training director ng Philippine Sports Institute, at sa UP College of Human Kinetics.

-Annie Abad