BAGO kinuha ni BeauteDerm CEO and owner na si Rhea Anicoche Tan si Sylvia Sanchez bilang unang endorser ay nasa 20 branches palang ang physical store nito noon at pagkalipas ng dalawang taon ay naging 80 branches na kaya muling ni-renew ng lady boss ang kontrata ng aktres.

Sylvia

Inamin din ni Ms. Rhea na nag-ipon siya bago siya kumuha ng endorser at si Ibyang nga ang una, “ganu’n po ako mag-negosyo. Hindi ako nagte-take ng risk na ilalabas ko ang pera ko na hindi ko alam ang mangyayari kinabukasan. I made sure na I’ll get the ambassadors with enough funds na hindi magagalaw ‘yung aking pang negosyo.”

Walong taon muna siyang nag-ipon bago nagpa-bongga nang husto nang sunud-sunod na magsulputan ang billboard ng lahat ng endorsers at sponsored ng Beautederm Philippines na mayroon na ring international branch sa Singapore, at isusunod ang New Zealand at Dubai.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Sa nalalapit na 10th year anniversary nito ay patuloy ang paglaki ng kumpanya.

Ang kagandahan pa rito, walang tinatanggal o pinapalitang endorsers na tulad ng ibang beauty products na nagpapalit. Bukod pa rito, tinutulungan niyang magkaroon ng sariling negosyo ang bawat ambassador niya.

Bilang isa sa mga pangunahing lider ngayon sa sa beauty and wellness industry, pinahahalagahan ng kumpanya ang kaligtasan at pagiging epektibo sa mga FDA notified products nito, na gumagamit ng mga plant-based na sangkap na ginawa upang makapagbigay ng mabilis at pinaka-epektibong long-term at sustainable na resulta.

Nagpapasalamat naman ang mga ambassadors sa blessings na natanggap nila.

Si Carlo na may sarili na ring branch, “officially two years pa lang ako sa negosyo. Pero dati pa akong kinukuha ni Ate Rei lalo na ‘pag may store openings. Dati na akong mahal niyan kaya hanggang ngayon ibinabalik ko ang pagmamahal niya. Hindi matatawaran ang kabutihan ng puso niya at pagiging generous.”

Si Matt, “Three years na ako bilang endorser and nakaka-proud na mayroon na tayo ngayong 80 branches and stores. Thank you kay Ms. Rhea dahil bukod sa pagiging endorser ay nabigyan niya rin ako ng sarili kong store. At saka love na love niya ang buong family namin kaya mahal din namin siya.”

Ria: “What’s the best thing about Mommy Rei - her heart. She’s very supportive. She’s so generous. Parang hindi pa talaga ako endorser pero she already made me feel na I’m already part of the family. Para talaga siyang nanay sa aming ambassadors niya. I’m also very grateful for her love to our family kasi endorser din si Mommy (Sylvia) at si Arjo.”

Jane: “Thankful ako kay Mommy Rei for trusting me with their brand. At saka may tiwala rin naman ako sa products nila na ginagamit ko rin talaga at hiyang ako. Kaya masaya ako na parte na ako ng pamilya nila.”

Ryle: “Si Mommy Rei very generous talaga, ang laki ng puso niya lalo na sa pamilya namin kasi ‘yong buong family namin minahal niya talaga. Kami ni Mommy (Sherilyn Reyes) kinuha niyang endorsers. Kaya mahal namin siya.”

Alex: “Si Mommy Rei bukod sa pagiging generous, she treats everybody like a family talaga. Walang favoritism, may pangalan ka man o wala. Binibigyan niya kami ng iba pang opportunity bukod sa pagiging endorser, hinahayaan niya rin kaming kumita sa pagkakaroon ng sarili naming negosyo.”

Ejay: “Sobrang blessing si Mommy Rei sa lahat ng mga tao. ‘Pag nagso-show kami lalo sa mga out of town, makikita mo kung gaano siya ka-love ng mga tao. Sobrang generous niya, sobrang bait niya. ‘Yong blessings na nakukuha niya isini-share niya talaga sa mga tao.”

At si Kitkat: “Si Mommy Rei multi-tasking ‘yan e, lahat kaya niyang gawin. At saka sobra siyang maalalahanin, lagi ka niyang kukumustahin. At saka pamilya ang turing niya sa aming lahat.”

-Reggee Bonoan