KATATAPOS lang manalo ni Sylvia Sanchez ng Best Actress award para sa pelikulang Jesusa sa 2nd Subic International Film Festival (SIFF2019) kamakailan, pero heto at may award nomination na naman siya para sa pagganap niya sa telebisyon.

ARJO

Ipinost ng aktres ang pasasalamat niya sa 9th Eduk Circle Awards dahil nominado siya sa pagka-Best Actress in a Single Drama Performance para sa pagganap niya sa “Red Lipstick” episode ng Maalaala Mo Kaya, ng ABS-CBN na ipinalabas noong Disyembre 2018.

Kasama niya sa nasabing episode sina Ms Boots Anson-Roa, James Blanco, Nikki Valdez, Mary Joy Apostol, Alexa Ilacad, Mickey Ferriols, Michael Rivero, Raikko Matteo, Nonie Buencamino, at marami pang iba, sa direksiyon ni Nuel Naval.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Base sa post ng aktres sa Facebook: “Maraming-maraming salamat po @edukcircle awards sa nominasyon, sa tiwalang binigay nyo sa kakayahan ko bilang artista. Much appreciated!!!”

Bukod dito ay nagpasalamat din si Sylvia dahil nominado rin ang anak niyang si Arjo Atayde sa dalawang kategorya, Best Actor in a Single Drama Performance sa MMK episode na “Korona” (2018), kasama ang kapatid nitong si Ria Atayde; at Best Supporting Actor in a Television Series sa The General’s Daughter, bilang si Elai Sarmiento, na may autism.

Oo naman, pansin na pansin talaga ang husay sa pag-arte ni Arjo sa TGD, at marami ang pumupuri sa kanya.

Kapapanalo rin lang ni Arjo bilang Best Supporting Actor sa nakaraang 3rd Eddys Awards para sa pelikulang Buy Bust, kasama si Anne Curtis, sa direksiyon ni Erik Matti, at produced ng Viva Films.

Sabi nga ng lahat, marami pang acting trophies ang hahakutin ng mag-inang Sylvia at Arjo mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

As of now ay abala si Sylvia sa taping ng Project Kapalaran, mula sa RSB Unit, at may mga pelikula rin siyang gagawin, kasama na ang isang pagsasamahan nila ni Arjo.

Si Arjo naman, bukod sa The General’s Daughter, gagawin niya ang second season ng digital series na The Bagman, na mapapanood sa iWant; ang pelikulang Miracle In Cell No. 7, na entry ng Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre; at dalawa pang pelikula, na hindi pa puwedeng banggitin sa ngayon.

-REGGEE BONOAN