May panibagong tagumpay ang Game of Thrones matapos itong tumanggap ng record-setting na 32 nominasyon mula sa Emmys, para sa ikawalo at huling season nito.

Game of thrones

Dinaig ng madugong saga ang all-time series record ng NYPD Blue, na nakakuha ng 27 Emmy nominations noong 1994.

Kapag nagwagi muli ang Game of Thrones bilang Best Drama series title at makuha ang kanilang ikaapat na tropeo, makakasama na sila sa listahan ng most-honored dramas kasama ang Hill Street Blues, L.A. Law, The West Wing, at Mad Men.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Malayo ang pinagkaiba ng huling season ng GOT na labis pinagtawanan dahil sa isang naiwang baso ng take-out na kape at ang pagtatapos na nakakabitin. Ngunit hindi ito ang lumabas na rating kung saan nagtala pa nga ito ng new highs para sa HBO.

Nasuklian naman ang desisyon ng isa sa mga bida ng palabas na si Emilia Clarke na subuking ma-nominate naman sa Best Actress matapos ang ilang beses na supporting actress lamang. Nakikipaglaban siya sa kategoryang kilala sa pagkakaroon ng sari-saring uri ng genre, kasama na ang dati ng nagkampeon na si Viola Davis para sa How to Get Away with Murder at si Sandra Oh para sa Killing Eve, na may tyansa uli upang tanghaling pinakaunang aktres na may dugong Asyano na manalo ng tropeo.

Natalo siya noong nakaraang taon kay Claire Foy para sa palabas nito sa Netflix na The Crown.

Dalawang aktor ang nanomina para sa Best Drama series, ito ay sina Billy Porter para sa Pose at ang dati ng nanalong si Sterling K. Brown para naman sa kanyang This Is Us.

Ang ilan pa sa mga nanomina para sa Best Drama series ay ang Better Call Saul, Bodyguard, Killing Eve, Ozark, Pose, Succession at ang tanging entry ng network, ang This is Us.

Ang ika-71 na Emmy Awards ay gaganapin sa Setyembre 22 sa Fox, at pinag-iisipan pa kung sino ang magho-host nito.