“LAHAT tayo pokpok, iba-ibang klase nga lang.”

The Panti Sisters

Cast ng The Panti Sisters

Ito ang patawang sinabi ni Sue Ramirez, bida sa pelikulang Cuddle Weather, sa ginanap na #PPP2019GrandLaunch ng apat pang pelikula na kukumpleto sa entries para sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong taon.

Sa Cuddle Weather, na idinirek ni Dan Villegas, ng Project 8 corner San Joaquin Projects, ibinebenta nina Sue at RK Bagatsing ang kanilang sarili para sa panandaliang aliw, hanggang sa huli ay sila na ang magkarelasyon.

Joel Torre, proud na nakatrabaho mga dakilang direktor sa Pilipinas

Kaya nasabi ng aktres na lahat tayo ay pokpok, dahil alipin daw tayo ng salapi para kumita at buhayin ang sarili sa iba’t ibang klase nga lang ng trabaho, tulad ng mga literal na nagbebenta ng aliw.

Sabi ni Sue, dapat na abangan ang kanilang pelikula, dahil maraming matututuhan dito tungkol sa problema ng tao at sa lipunan.

Dahil sa malaking halagang mamanahin sa amang malapit nang mamatay, na gagampanan ni John Arcilla, kilangang bigyan magbigay ng apong lalaki ang sinuman sa magkakapatid na Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, at Christian Bables para maipagpatuloy ang apelyido nilang Panti, sa The Panti Sisters. Ito ay sa direksiyon ni Jun Robles Lana, mula sa The IdeaFirst Company, Inc., Black Sheep, at A L V Film Productions.

Cast ng 'G!'

Cast ng 'G!'

“Galit kami sa millennials kaya bina-bash namin sila,” ito ang tumatawang sabi ng N2 producer na si Neil Arce tungkol sa kuwento ng produced niyang I’m Ellenya L, na idinirek ng kaibigang si Boy 2 Quizon. Isa rin si Boy 2 sa producer, bukod pa sa Spring Films.

Base sa nakapanood na ng pelikula, kuwento ito ng taong mahilig sa social media, na buong buhay ay walang ginawa kundi mag-post ng kung anu-ano, kahit hindi naman ito feel ng iba.

Napanood namin ang trailer, at nakakatawa nga ang pelikula na pinagbibidahan nina Maris Racal at Iñigo Pascual. Bagay sa dalaga ang karakter niyang si Ellenya L, na nuknukan ng arte, dahil ito rin naman ang imahe niya sa showbiz, pero sa positibong paraan.

Sabi nga ni Boy 2, “Panoorin n’yo po ang pelikula kasi sigurado ako, matatawa kayo. Actually nailabas ko ‘yung namana ko (pagka-komedyante), sa pagiging Quizon sa pelikula.”

Si Boy 2 ay apo ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

“Kung maraming panti sa Panti Sisters, kami nagpakita ng puwet,” seryosong sabi naman ni Paulo Angeles, tungkol sa pelikula nilang G!, mula sa Cineko Productions , at idinirek ni Dondon Santos. Kasama rin sa pelikula sina Jameson Blake, Mark Oblea, Kira Balinger, at McCoy de Leon.

Dahil barkada movie ang kuwento ng G!, lahat ng kalokohan ng kabataan ay ipakikita sa pelikula. Curious ang mga bida sa lahat ng bagay, lalo na sa sex. Sabi nga ng isa sa mga bida, enjoy siya sa pelikula, dahil sa pamamagitan nito ay nalaman niyang “good kisser” si Roxie Barcelo.

Magandang panoorin din ng Generation X ang G! para manumbalik sa alaala nila ang mga pinaggagawa nila noong kabataan nila.

At siyempre, bagay ito sa millennials dahil may kapupulutang aral na hindi dapat sugod nang sugod sa mga kalokohan, na ikapapahamak.

Pamilyar ang kuwento ng Watch Me Kill ni Jean Garcia, mula sa direksiyon ni Tyrone Acierto, produced ng Cine Bandits Entertainment. Tungkol ito sa asawang kailangang patayin, na gagampanan ni Jay Manalo, na mabubuking na marami palang sekreto. Maraming ganitong tema sa Hollywood films.

Aliw at nakakatawa rin ang Open nina Arci Muñoz at JC Santos,

na idinirek ni Andoy Ranay, produced ng Black Sheep at T-Rex Productions. Tungkol naman ito sa 14 years nang mag-dyowa pero hindi pa nagyayaya ng kasal ang lalaki.

May kakaibang set-up palang gusto si JC. Gusto niyang maging open ang relasyon nila ni Arci, o iyong puwede silang makipag-date at makipag-sex sa iba.

At ang kinababaliwan ni JC sa movie ay ang nag-iisang Sabado Nights girl na si Ina Raymundo—na sumikat sa San Miguel Beer TVC noong 1996. Pagkalipas ng 23 years, “hot” pa rin si Ina, ayon sa mga nakapanood na ng pelikula.

“Grabe, ang hot-hot pa rin ni Ina,” komentong narinig namin.

Mukhang pa-cute naman ang kuwento ng LSS nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, produced ng Globe Studios, at idinirek ni Jade Castro. Tungkol ito sa isang musikero na gustung-gustong makamit ang pangarap, at suportado naman siya ng kanyang boyfriend.

Kasama rin sa pelikula ang bandang Ben&Ben.

Bukod sa mga nabanggit na pelikula, mapapanood din ang tatlong full-length films na magiging bahagi naman ng Sandaan Feature Showcase.

Ito ang Lola Igna nina Yves Flores, Angie Ferro, at Merryl Soriano; Circa nina Anita Linda, Enchong Dee, Gina Alajar, Laurice Guillen, at Elizabeth Oropesa; at Pagbalik, starring Gloria Sevilla, Suzette Ranillo, at Vince Ranillo.

Samantala, inihayag din ang mga pasok sa kategoryang Sine Kabataan: ang

Pinggu, Pwede Na? na idinirek nina Elle Ubas at Johanna Valdez; Magna

nina Geoffrey Solidum, Alexis Siscar, at Stanley Barroga; Kalakaro

ni Rodson Verr Suarez; Chok nina Richard Jeroui Salvadico at Arlie Sweet Sumagaysay; Baon ni Czareena Rozhiel B. Malasig; Tinay nina Andre Jacques Tigno at Angelo Fernando; Atchoy ni Regin de Guzman; Kanlungan ni Leslie Ann Ramirez; at Toto, Tawag ka ng Ate Mo ni Mary Franz Salazar.

Ang PPP 2019 Grand Launch ay hatid ng FDCP, sa pakikipagtulungan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) at sponsored ng CMB Film Services.

-Reggee Bonoan