IPINOST ni Kris Bernal ang photo ng bahay nila sa California at may update siya sa nangyaring lindol sa parte ng California kung saan sila may bahay.

Kris

“People have been asking me about the situation of our house in Cali after the 7.1 magnitude earthquake. So far there is no damage on our property in West Covina and my sister is safe. Thanks for caring and for keeping us in your thoughts.”

Very proud si Kris sa nabiling bahay sa West Covina dahil galing ‘yun sa kanyang pagsisikap, pagod at puyat. Masaya siya ‘pag nagbabakasyon sa Amerika dahil may sariling bahay na tinitirahan.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Ang sunod na project ni Kris ay magpatayo ng sinabi niyang dream house at mukhang sinisimulan na ang construction. Mapapatayo nito ang bahay dahil may resto business siya at tuluy-tuloy ang kanyang trabaho.

In fact, isa siya sa mga bida sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko bilang nagmumulto.

“Ditching the iyakin and pa-sweet role for this psychopath–turned-ghost role! I have no problems taking on a horrible character after spending the past decade as “Always a sweetheart”. To prepare for the role I had to watch a number of horror-suspense-thriller films, with eyes and ears wide open! The Sixth Sense, Insidious, Conjuring, Shutter, to name a few. Haay! Ang lala!”

Sa July 22 ang pilot ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko sa direksyon ni Jorron Monroy. Sa serye ay magiging karibal ni Kris kay Rayver Cruz si Megan Young at kasama rin sa cast si Kim Domingo.

-NITZ MIRALLES