Nanatiling walang talo si Mark Vicelles nang talunin sa manipis na 10-round majority decision si world rated Jesse Espinas para matamo ang WBA Asia South light flyweight title noong Sabado ng gabi (Hulyo 6) sa Liloan, Cebu.

Tiyak na papasok sa world rankings si Vicelles na napaganda ang kanyang kartada sa 11 panalo at 1 tabla na may 5 pagwawagi sa knockouts dahil nakalista si Espinas na No.14 rated kay WBC junior flyweight titlist Ken Shiro ng Japan.

Halos walang itulak-kabigin sa sagupaan nina Vicelles at Espinas na kapwa matibay ang mga panga at hindi bumagsak sa loob ng 10 rounds.

Nagwagi si Vicelles nang paboran siya ng mga huradong sina Carlos Costa, 96-94 at Arnie Najera, 96-94 samantalang table kay judge Edgar Olalo ang laban, 95-95.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bumagsak ang kartada ni Espinas sa 19 panalo, 4 talo na may 11 pagwawagi sa knockouts.

Sa undercard ng laban, nagwagi si Joy Joy Formentera via 1st round knockout kay Prince Andre Laurio para matamo ang bakanteng Philippine Visayas Professional Boxing Association super flyweight belt.

-Gilbert Espeña