PUMANAW na ang Disney actor na si Cameron Boyce, nakilala sa kanyang role bilang teenage son ni Cruella de Vil sa Disney Channel franchise na Descendants.

CAMERON

Ayon sa tagapagsalita ng pamilya, Sabado, Huyo 6 namatay ang 20-anyos na aktor sa tahanan nito sa Los Angeles. Hindi ibinigay ang detalye ng pagkamatay ni Cameron, ngunit sa pahayag na inilabas ng pamilya, sinabing “[Cameron] passed away in his sleep due to a seizure that was a result of an ongoing medical condition for which he was being treated.”

“The world is now undoubtedly without one of its brightest lights, but his spirit will live on through the kindness and compassion of all who knew and loved him. We are utterly heartbroken,”ayon sa pamilya.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Sa bio ng actor sa Disney Channel, ipinanganak at lumaki ang aktor na gumanap bilang Carlos de Vil sa Descendants sa Los Angeles. Isang dancer si Cameron na nagsimulang umarte sa mga commercials, hanggang sa lumabas sa telebisyon at pelikula. Bumida siya kasama ni Adam Sandler sa Grown Ups at Grown Ups 2, at naging bahagi rin ng Mirrors, Eagle Eye at ng indie feature na Runt. Habang bahagi din siya ng upcoming HBO series, ang Mrs. Fletcher.

Ngayon Agosto nakatakdang i-release ang Descendants 3.

Ayon sa tagapagsalita ng aktor, isa ring philanthropist si Cameron na ginamit ang kanyang pagiging celebrity upang tumulong sa mga walang boses sa lipunan, tulad ng mga homeless. Last year, kinilala siya para sa kanyang kontribusyon sa Thirst Project, isang adbokasiya na nagsusulong ng kaalaman sa global water crisis at nakalikom ng higit $30,000 para sa organisasyon upang magtayo ng dalawang balon ng tubig sa Eswatini, dating Swaziland, sa pagsisikap na makapagbigay ng clean drinking water  sa rehiyon.

Noong 2017, nakatanggap si Cameron ng Daytime Emmy Award sa Disney XD para sa pagiging bahagi ng seryeng Timeless Heroes_Be Inspired, bilang pagpupugay sa Black History Month.

Samantala, nagbigay din ng pagkilala ang Disney Channel sa aktor na sinabing, “He was an incredibly talented performer, a remarkably caring and thoughtful person and, above all else, he was a loving and dedicated son, brother, grandson and friend,”ayon sa pahayag. “We offer our deepest condolences to his family, castmates and colleagues and join his many millions of fans in grieving his untimely passing. He will be dearly missed.”

Nag-tweet naman si Walt Disney Co. Chairman and Chief Executive Robert Iger nitong Linggo patungkol kay Cameron at sinabing: “The Walt Disney Company mourns the loss of #CameronBoyce, who was a friend to so many of us, and filled with so much talent, heart and life, and far too young to die. Our prayers go out to his family and his friends.”

Bukod sa Disney ilang co-stars din ang nag-react sa pagpanaw ng aktor sa pamamagitan ng social media.

Tweet ni Adam: “Loved that kid. Cared so much about his family. Cared so much about the world. Thank you, Cameron, for all you gave to us. So much more was on the way. All our hearts are broken.”

-Associated Press