OAKLAND, California (AP) — Taliwas sa desisyon ni Kevin Durant, nanindigan si All-Star guard Klay Thompson sa desisyon na manatiling Warriors habang buhay.

Pormal na ipinahayag ng kabahagi ng pamosong ‘Splash Brothers’ sa kanyang Instagram nitong Lunes (Martes sa Manila) ang pananatili sa kampo ng Warriors.

“I’m not leavin!’” pahayag ni Thompson.

Kinatigan ito ng kanyang agent na si Greg Lawrence na nagpahayag na lalagda ng five-year max contract na US$190 milyon si Thompson.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa bawat panayam kay Thompson, palagian nitong sinasabi ang pagiging loyal sa Warriors.

“I’ve said it many times before: I would like to be a Warrior for life,” aniya.

Sumailalim siya sa surgery sa nakalipas na linggo sa napilas na ACL sa kaliwang tuhod na natamo sa Game Six ng NBA Finals laban sa Toronto Raptors.

“It’s hard to walk away from something, you were here when it started and yeah, you just want to stay on the train as long as you can,” aniya