MAY kani-kaniyang signature walk ang mga kandidata sa beauty pageants, partikular na para sa mga nagiging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe.

Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganado (Photo by Jansen Romero)

Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados (Photo by Jansen Romero)

Taong 2010 nang simulan ng mga pambato ng bansa ang pagkakaroon ng signature walk sa Miss Universe pageants, at sa parehong panahon ay laging napapabilang sa finalists ang mga Miss Universe Philippines.

Nagsimula ang lahat sa “Pilapil Walk” ni Venus Raj (Miss Universe 2010 4th runner up), na sinundan ng “Tsunami Walk” ni Shamcey Supsup (Miss Universe 2011 3rd runner up), “Cobra Walk” ni Janine Tugonon (Miss Universe 2012 1st runner up), “Ariba Walk” ni Ariella Arida (Miss Universe 2013 3rd runner up), habang nag-“Diyosa Walk” ni Mary Jean Lastimosa.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Syempre pa, nag-uwi ng ikatlong Miss Universe crown para sa Pilipinas si Pia Wurtzbach noong 2015 dahil sa kanyang “Tanim-Bala Walk”, nag-“Alta Walk” si Maxine Medina, at nag-“Infinity Walk” si Rachel Peters.

Noong nakaraang taon, nag-viral at ilang buwang pinag-usapan ang panalong “Lava Walk” ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, na talaga namang isa sa mga tumatak sa mga tumutok sa nasabing pageant last year.

This early, may nagbinyag na ng “Ganado Walk” sa pagrampa ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados. May tumatawag din ng “Bombs and Phoenix” sa kanyang signature walk. Whatever, tiyak na may tulong na nagagawa ang signature walk ng ating mga pambato sa Miss Universe para lumaki ang tyansa niyang mapanalunan ang korona.

Pero kahit pa kinoronahan nitong June 9 bilang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019, sinasabing si Gazini ang isa sa mga most bashed beauty titlist sa bansa. Ayaw paawat ng mga netizens sa panlalait sa kanya. Kesyo hindi raw naman kagandahan si Gazini, at nadadala lang ng make-up.

Kaya naman pinatunayan ni Gazina na nagkakamali ang kanyang bashers. Sa guesting niya kamakailan sa Tonight With Boy Abunda, inalis ng 23-anyos na Cebuana ang kanyang make-up. First time ito nangyari sa show ni Boy Abunda, na napabigkas ng “What a brave girl!”May mensahe naman ni Gazini sa mga bashers: “We have so much to learn to improve ourselves. Pero sana, imbes na mamintas, let’s try to help one another.”

Pasukin din kaya ni Gazini ang showbiz, tulad ng ginawa nina Pia, Ariella, Maxine at iba pang beauty queens na nauna sa kanila?

-REMY UMEREZ