SIMULA sa ika-95 taon ng itinuturing na oldest collegiate league ng bansa, magkakaloob na ng malaking parangal ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa sinumang miyembrong paaralan na magwawagi ng tatlong sunod na seniors general championship.

Isa ito sa mga ibinalita ni NCAA management committee chairman Peter Cayco ng season host Arellano University noong nakaraang Martes ng hapon nang maging panauhin ito sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel.

Layunin nitong paigtingin at mas pataasin pa ang lebel ng kompetisyon sa NCAA, hindi lamang sa basketball kundi maging sa iba pang sports sa kanilang kalendaryo na kinabibilangan ng volleyball, swimming, athletics, taekwondo, tennis, chess, football, beach volleyball, soft tennis, badminton at table tennis.

Kaugnay nito, sisimulan na ring ihanay ngayong darating na season bilang regular sport ang women’s tennis matapos ang tatlong taong pagiging demonstration sport at ang cheerleading naman sa susunod na taon.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Ayon kay Cayco, gagawaran ng Perpetual Trophy ang sinumang school na makakatatlong sunod na seniors general champion.

Nagpagawa na aniya ang liga ng isang “special trophy” na makakagawa ng nasabing 3 straight overall championship feat.

-Marivic Awitan