Umabot sa 90 high school students ang isinugod sa ospital nang mag-collapse ang mga ito dahil sa matinding init ng panahon sa Bauan, Batangas, ngayong Biyernes ng umaga.

HINIMATAY

Sa panayam, sinabi ni Bauan Municipal Police chief, Lt. Col. Joemar Laviano, nasa loob na ng silid-aralan ang mga estudyante ng Bauan Technical High School nang mahirapang huminga ang mga ito at himatayin, dakong 10:00 ng umaga.

Ang mga ito aniya ay agad na dinala sa Bauan Doctor’s Hospital, Bauan General Hospital at sa iba pang pagamutan sa naturang bayan.

Probinsya

Minimum wage earners, kasambahay sa Caraga, may umento sa sahod!

Aniya, halos kaparehong bilang din ng estudyante ang hinimatay habang sila ay nagsasagawa ng earthquake drill, nitong Huwbes, dakong 2:00 ng hapon.

Dahil dito, agad na nagdesisyon ang pamunuan ng paaralan na suspindihin muna ang klase.

-Lyka Manalo