Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 35 Chinese na umano’y ilegal na nagtatrabaho sa isang construction site sa Multinational Village sa Parañaque City, iniulat ngayong Huwebes.

CHINESE_ONLINE

Ayon kay BI intelligence chief Fortunato Manahan, Jr., ito ang pangalawa sa pinakamalaking operasyon na isinagawa ng tanggapan laban sa alien construction workers sa ilegal na pagtatrabaho sa bansa.

Nahuli sa akto ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa construction site.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naganap ang unang operasyon noong Setyembre 6 ng nakaraang taon nang salakayin ng mga tauhan ng BIs ang isang construction sa kahabaan ng Macapagal Avenue sa Pasay City at inaresto ang 34 na Chinese workers.

Ayon kay Manahan, wala sa mga aliens, na pawang lalaki at tinatayang nasa edad 30, na nagpakita ng working permit.

"These foreigners are robbing our Filipino workers of job opportunities and they should be deported as their presence here is detrimental to our national interest," ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.

-Jun Ramirez