Isang pulis ang nabiktima ng kawatan nang loobin ang kanyang bahay sa Taguig City, iniulat ngayong Miyerkules.

Agad na dumulog sa Taguig City Police si Cpl. Romel Belarmino y Daliri, 25, kasalukuyang nakatalaga sa RPRMD, PPS, sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa ulat, nadiskubre ni Belarmino ang panloloob sa kanya sa Barangay Lower Bicutan sa Taguig City, sa ganap na 6:00 ng umaga.

Nadatnan umano ng biktima na sira ang kandado sa pinto at nagkalat ang kanyang gamit sa kuwarto.

Probinsya

Pamilya, nasagip matapos bumagsak isang tulay sa Masbate

Kabilang sa mga tinangay ng hindi pa nakikilalang kawatan ang kanyang cell phone, na nagkakahalaga ng P14,999; sling bag na kinapapalooban ng PNP service firearm na caliber .9mm pistol Beretta (SN #M10374Z), dalawang magazine; at 29 na bala.

Nagsasagawa ng follow-up operation laban sa suspek.

-Bella Gamotea