Ito ang reaksyon kahapon ng Malakanyang sa gitna ng pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng insidente sa Reed Bank, kamakailan.

Sa isang pulong balitaan sa Malakanyang, dumipensa si Presidential Spokesman Salvador Panelo at sinabing nag-iingat lamang ang pangulo bago ito gumawa ng anumang hakbang kaugnay ng usapin.
Aniya , tugon lamang nila ito sa may-ari ng lumubog na (F/B) Gem-Ver fishing boat na si Felix dela Torre na nagsabing “tila wala nang karapatan ang mga Pinoy sa mismong teritoryo ng mga ito.”
"Parang alipin po tayo ng China. Parang wala tayong karapatan sa sarili nating nasasakupan,” dismayadong pahayag ni Dela Torre.
Lumubog ang naka-anglang bangka ni Dela Torre nang banggain umano ng isang Chinese vessel na nag-abandona pa sa mga ito sa laot.
Nasagip ng mga mangingsidang Vietnamese si Dela Torre, kasama ang 21 iba pang mangingisda tatlong oras matapos ang insidente.
Paliwanag naman ni Panelo, hindi alipin ng China ang Pilipinas.
“The Philippines is not China's slave, and that issues of sovereignty is off the table,” sabi pa nito.
Kaugnay nito, nais naman ni Vice President Leni Robredo na mapanagot ang mga tripulante ng naturang Chinese vessel.
"We strongly urge the Department of Foreign Affairs to demand from the Chinese government to find those responsible and recognize Philippine jurisdiction, so they can face trial before our courts," pagdidiin nito.
“Those involved must be made accountable in accordance with the pertinent international treaties and Philippine laws," aniya.
Iginiit pa nito na nasa tamang panahon na upang pag-aralan muli ng Pilipinas ang mgha polisiya nito sa China.
Dapat aniya maging matapang ang bansa sa pagsusulong ng karapatan ng mga Pinoy laban sa China.
“It is still not too late. This is the time where we expect our leaders to be true to their oath and speak, act, and do what is needed to defend the dignity of our nation, and every Filipino,” dagdag pa nito.
Umapela naman ang Malakanyang sa publiko na huwag nang gatungan ang kontrobersiya.
Ipinaliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na mayroong tinatawag na diplomatic channels at diplomatic protocol para magamit sa kahalintulad na insidente.
Makabubuti aniyang makita muna nila ang mga pangyayari at pag-usapan ang mga nararapat gawin at ipaubaya sa Department of Foreign Affairs ang tungkulin nito para sa diplomatic issue.
Gagamitin naman ng Pilipinas ang Mutual Defense Treaty (MDT) nito sa Estados Unidos kung ito ay kinakailangan upang maresolba lamang ang usapin.
Binanggit ito ni Panelo kasunod na rin nang pahayag ni US Ambassador to the Philippindes Kim Sung na maaaring gamitin ang naturang tratado kung ang nasabing pag-atake sa South China ay kagagawan ng militia o mga armadong sibilyan.
Sa panayam, binanggit pa ni Kim na pahahalagahan ng Estados Unidos ang mga probisyon ng MTD na pinagbigkisan ng dalawang bansa kung magkaroon man ng external attack.
"[US Secretary of State Mike Pompeo] made clear that because the South China Sea is part of the Pacific, under the treaty itself, any armed attack on Filipino vessels, Filipino aircraft will trigger our obligations under the Mutual Defense Treaty.
"Kung ‘yun ang nakalagay sa treaty, 'di ‘yun ang susundin natin. Kung ‘yun ang agreement,” sabi pa ni Panelo.
Hanggang kahapon ay hindi pa rin nagpapalabas ng pahayag ang pangulo kaugnay ng usapin.
-Argyll Cyrus B. Geducos, Raymund F. Antonio, at Beth Camia