Hindi tumatalima ang radio personality na si Erwin Tulfo sa Philippine National Police (PNP) na isuko ang kanyang mga armas dahil paso na ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) nito tatlong buwan na ang nakalilipas, isiniwalat ngayong Martes ng tagapagsalita ng Philippine National Police.

Ayon kay Police Colonel Bernard Banac, PNP spokesperson, muling nakipag-ugnayan sa kanila ang kampo ni Tulfo nitong Lunes matapos na sabihin ni Police General Oscar Albayalde, PNP chief, na mapipilitan silang kumuha ang search warrant kapag hindi pa rin tumalima si Tulfo.

Gayunman, sinabi ni Banac na ito ay para sa renewal ng LTOPF at hindi pagsuko ng mga baril.

"The camp of Mr. Erwin Tulfo immediately coordinated with the Firearms and Explosives Office (FEO) for the renewal of the license but we're still awaiting for the surrender of his firearms," sinabi ni Banac sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinagdiinan ni Banac na kahit nag-apply si Tulfo ng renewal ng kanyang LTOPF, kailangan pa rin nitong isuko ang kanyang mga armas para sa safekeeping.

"What worries us if during the renewal process, it might take long or he might travel abroad with an expired license. The possession of firearms is unauthorized so the surrender of firearms is necessary for temporary custody," paliwanag ni Banac.

Sinabi ng PNP official na si Tulfo ay isasailalim sa "Oplan Katok" kung saan magtutungo ang mga pulis sa kanyang bahay upang paalalahanan siyang isuko ang kanyang mga baril.

Maaaring maharap si Tulfo sa kasong illegal possession of firearms, paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition), ayon kay Banac.

"Binibigyan naman natin ng pagkakataon dahil nakipag-ugnayan naman ang kampo," pahayag ni Banac.

-Martin A. Sadongdong