Warriors, asam ang kasaysayan na makabangon sa 1-3 ng NBA Finals

OAKLAND, California (AP) — Naghahabol ang two-time defending champions sa karibal na Toronto Raptors, 3-1. Isang sitwasyon na hindi pamilyar sa Warriors sa nakalipas na apat na NBA Finals.

Makabangon pa kaya ang Warriors? Maaari. Posible.

At mabibigyan ng buhay ng Warriors ang sisinghap-singhap na kampanya para sa minimithing three-peat sa do-or-die Game Five sa Lunes (Martes sa Manila) sa teritoryo ng Raptors sa Scotiabank Arena.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“It’s important to have that pride, to have the faith in what we’re capable of,” pahayag ni All-star forward Draymond Green.

Kung sakaling makalusot sa Scotiabank Arena, magbabalik ang aksiyon sa Oracle Arena sa California. Magkagayun, inaasahang hindi papayagan ng Warriors na matabunan ng kabiguan ang kasaysayan ng Oracle na naging tahanan ng Warriors sa nakalipa sna 47 season. Lilipat na ang Warriors sa bagong tayong Chase Center sa San Francisco sa susunod na season.

Sa kasaysayan ng playoff, naitala ng Warriors ang pambihirang panalo nang makabangon mula sa 1-3 paghahabol laban sa Oklahoma City – noo’y pinagbibidahan ni Kevin Durant -- sa 2016 Western Conference finals.

“We’ve been on the wrong side of history,” sambit ni Golden State guard Shaun Livingston. “We look to be on the right side of it now.”

Naniniwala naman si two-time MVP Stephen Curry na matindi ang hangarin ng Warriors na magawa ang isang imposible.

“You don’t succeed the way we have over the course of these years without that mentality. So as the second half unfolds and things aren’t going our way, we’re still fighting and trying to get over the hump. But until the final buzzer sounds and somebody gets the four wins, we still have life and have an opportunity to win,” aniya.

“I’ve been on the wrong side of 3-1 before,” pahayag ni Green. “Why not make our own history?”