Sinabi ni Social Welfare Secretary Rolando Bautista na handa siyang tanggapin ang sorry ni Erwin Tulfo—pero may mga kondisyon siyang inilatag para sa broadcaster.

TULFO

Sa una niyang pahayag sa usapin mahigit isang linggo ang nakalipas matapos siyang pagmumurahin ni Tulfo sa radio program nito nang hindi niya pagbigyan ang hinihingi nitong panayam, nagbigay ng dalawang kondisyon si Bautista para mapatunayan ang sinseridad ni Tulfo.

“Hihingi ng paumanhin si Ginoong Erwin Tulfo na ipapalabas niya sa mga pangunahing dyaryo sa sukat na hindi liliit sa kalahating pahina, na kanyang babayaran. Ipapalabas din niya itong paghingi ng paumanhin sa social media platforms, katulad ng: Facebook, Twitter, Instagram at YouTube at sa mga istasyon ng radyo katulad ng: DZBB, DZMM, Radio Singko News FM 92.3, DZRH at DZRB,” sinabi ni Bautista ngayong Biyernes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gusto rin ng retiradong Philippine Army chief na mag-donate si Tulfo ng aabot sa P300,000 bawat isa sa 19 na organisasyon, kabilang ang mga ahensiyang kinakatawan niya.

Ito ay ang Philippine Military Academy, Philippine Military Academy Alumni Association, Inc., Association of Generals and Flag Officers, First Scout Ranger Regiment, Special Forces Regiment (Airborne) ng Army, Light Reaction Regiment ng PA, Philippine National Police-Special Action Force, Philippine Naval Special Operations Group, Philippine Marines Special Operations Group, PNP Maritime Group.

Pinagdo-donate rin ni Bautista si Tulfo sa trust fund para sa mga lumikas sa Marawi City, sa DSWD, Philippine Veterans Hospital, AFP Victoriano Luna Medical Center, PNP Camp Crame General Hospital, Philippine Army General Hospital, Philippine Navy General Hospital, Philippine Air Force General Hospital, Philippine Coastguard General Hospital, at sa educational trust fund para sa mga anak ng mga empleyado ng DSWD.

Dalawang beses nang nag-public apology si Tulfo kay Bautista.

-Alexandria San Juan