NILINAW kaagad ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang lumabas na balitang gumagamit siya ng “Purple Mangosteen” for weight loss.

Judy Ann copy

Narito ang pahayag ni Juday sa Instagram: “Once again… I am not endorsing ‘Purple Mangosteen’... never saw this product, never tried... and never will... hindi ko kilala kung sino ang gumagawa nito.

“My team tried reaching out to them, pero walang nagre-reply sa kanila. I don’t have any Facebook account anymore, please.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Beware of people using celebrities to promote their products... hangga’t hindi po mismong ako o kahit na sinong celebrity ang nag-post or nagsabing ginagamit namin ang isang produkto, ‘wag na ‘wag po kayong maniniwala. Kaya may mga sarili kaming accounts para mismong sa amin manggaling ang mga balita na gusto naming iparating sa inyong lahat.

“Salamat rin sa mga taong concern at nagtanong kung konektado ‘ko sa produktong ito. If you are following the Facebook account under ‘Judy Ann Agoncillo or Judy Ann Santos Agoncillo’ pls. pls. pls. unfollow.” Sa ngayon ay patuloy pa ring nagte-taping si Juday para sa kanyang Judy Ann’s Kitchen, na napapanood sa kanyang YouTube channel, at busy din sa kanyang binuksang restaurant, ang Angrydobo sa 2456 Taft Avenue, Manila. Dinarayo ang restaurant sa masasarap na luto ni Juday at open na ito from Mondays to Sundays, 10:00 am – 10:00 pm.

Nagte-taping pa rin si Juday ng Starla for ABS-CBN, pero hindi pa niya alam kung kailan ito mapapanood.

-NORA V. CALDERON