June 04, 2026

Home BALITA Probinsya

3-anyos na bata, patay matapos mabaril ng 2-anyos na pinsan!

3-anyos na bata, patay matapos mabaril ng 2-anyos na pinsan!

Patay ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki matapos aksidenteng mabaril ng kaniyang dalawang taong gulang na pinsan sa Barangay Bunga, Don Salvador Benedicto, Negros Occidental.

Batay sa ulat ng Negros Occidental Police Provincial Office, natagpuan ng dalawang bata ang isang baril sa labas ng bahay ng biktima bago ang insidente.

 Sa pag-aakalang isa lamang itong laruan, dinala nila ito sa loob ng silid at pinaglaruan.

Habang naglalaro, aksidenteng nakalabit ng pinsan ang gatilyo ng baril at tinamaan ang biktima sa dibdib.

Agad na isinugod sa ospital ang bata ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Probinsya

Batang nabitawan ng ina matapos silang sumemplang sa motor, patay sa bangga ng bus!

Tumanggi naman ang pulisya na magbigay ng iba pang detalye hinggil sa insidente bilang paggalang sa kahilingan ng pamilya na mapanatili ang kanilang pribasiya sa gitna ng pagdadalamhati.