Rain or Shine Paint Masters, handa sa ‘giyera’

MAS matibay at mas matikas na Rain or Shine Paint Masters ang matutunghayan ng basketball fans sa PBA Commissioner’s Cup.

NAGBIGAY ng kanilang pananaw sa kasalukuyang kampanya sa PBA Commissioners Cup ang Rain or Shine PaintMasters.

NAGBIGAY ng kanilang pananaw sa kasalukuyang kampanya sa PBA Commissioners Cup ang Rain or Shine PaintMasters.

At handa ang Paint Masters na bulabugin ang mga karibal, kahit pa ang itinuturing ‘super team’ na San Miguel Beermen.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Of course, San Miguel with their lineup remained the top team to beat, but we’re ready, everybody is ready and knows their role to the team,” pahayag ni ROS assistant coach Chris Gavina.

“We missed to make it to the finals in the last conference, so same pa rin ang aming target make it ot the championship and win the title,” sambit ni Gabina patungol sa game-buzzer win ng Magnolia sa kanilang playoff series sa Chairman’s Cup.

Iginiit ni James Yap, pinakabeterano at lider ng koponan, na ang karanasan nila sa nakalipas na serye ay dagdag kaalaman sa kanilang pagpupunyaging magtagumpay.

“Kahit anong lakas naman ng kalaban naming, tulong –tulong kami, andyan si Belga, si JB at Norbert. Tulong tulong kami para manalo,” pahayag ni Yap, two-time MVP sa liga.

Isinantabi naman ni Belga ang pagkawala ni Raymund Almazan na na natrade sa off season.

“Time ng ibang players na mag-shine. Kung wala siya okey lang naman sa team dahil meron namang papalit sa puwesto niya. Malaki na siya (Almazan) bahala siya basta pag nakaharap niya kami magready siya,” pabirong pahayag ni Beau Belga.

Handa rin si Jayvee Mocon na patunayan na isa siya sa natatanging rookie sa liga sa kanyang pagtatangka na makuha ang Rookie of the Year honor.

“Kahit sino ang manalo, tiyak deserved ako basta laro lang at kung ano ang maitutulong ko sa team:” aniya

-Edwin G. Rollon