“AKALA namin tatapusin na ang Kadenang Ginto, kaya nagpa-thanksgiving presscon? Putik, nabasa ko, hanggang 2020 pa?”

Ito ang nakangiting sabi sa amin ng taga- GMA 7 na aminadong pinag-uusapan talaga ang panghapong serye nina Beauty Gonzales at Dimples Romana.

Sinabi namin kaya nagpa-thanksgiving presscon ay dahil sa consistent na mataas sa ratings game ang serye, at para sa launching ng bagong ka-love team nina Andrea Brillantes at Francine Diaz na sina Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Sa apat na bagets ay si Seth ang pinakabago, dahil produkto siya ng Pinoy Big Brother Otso, at halos dalawang buwan lang siyang nanatili sa Bahay ni Kuya at pinalabas na siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maraming nagkagusto kaagad kay Seth dahil nakikita sa kanya si Daniel Padilla noong nagsisimula pa lang ang BF ni Kathryn Bernardo, bukod sa kaboses din ni Seth ang aktor.

Nalungkot ang binatilyong taga-Cavite nang ma-evict siya sa PBB house, dahil gustung-gusto niyang manalo para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya.

Pero nakaganda pa ang paglabas ni Seth sa PBB, dahil kaliwa’ kanan ang TV guestings niya at may mga out-of-town shows pa siya ngayon.

At dahil mainit si Seth at nakitaan ng potensiyal sa pag-arte kaya isa ito sa mga dahilan kung bakit kinuha siya ng Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal sa Kadenang Ginto bilang kapareha ni Andrea.

Nakakatuwa nga dahil sa ginanap na thanksgiving presscon ng KG ay kay Seth pinakamaraming nagtanong para kilalanin siya nang husto, at higit sa lahat, naaliw ang lahat sa mga sagot niya dahil may pagka-komedyante pala siya.

Tatlong linggo pa lang pumapasok sa Kadenang Ginto sina Kyle at Seth pero trending na kaagad ang magkaka-love team, na tinawag na Gold Squad.

Samantala, umere nitong Linggo nang gabi ang pagpasok ng Gold Squad sa Bahay ni Kuya para sa isang special task, at talagang kitang-kita na excited sina Andrea, Francine at Kyle dahil first time nilang makapasok sa PBB house.

Si Seth naman ay halatang na-miss ang loob ng PBB house dahil kung anu-ano ang tinitingnan, panay ang linga, kaya natanong tuloy siya ni Kuya kung may mga naalala siya at na-miss siya.

At dito nagpakuwento si Kuya kung ano na ang mga nabago kay Seth paglabas niya ng PBB house.

Naikuwento ng binatilyo na nakakapag-aabot na siya ng panggastos ngayon sa nanay niya, gaya ng pang-grocery. Binati naman ni Kuya si Seth sa mga naging achievement niya sa labas ng bahay nito.

Anyway, bukod sa The Gold Squad ay marami pang pasabog at bangayang hatid ang Kadenang Ginto ngayong tuluyan na ngang ibinasura ang isinampang kaso kay Romina (Beauty) at maaari niya nang mabawi lahat ng iniwan sa kanya ni Robert (Albert Martinez). Pero hindi naman papayag si Daniela (Dimples), dahil gagawin niya ang lahat upang mawala na sa landas niya ang mortal niyang kaaway.

Ang away nila ay lubos na magdudulot ng galit kay Marga (Andrea), kaya naman ibubuhos niya ito kay Cassie (Francine) at pilit na ipapamukha na wala siyang karapatan sa kahit na anong yaman ng mga Mondragon. Saan nga ba hahantong ang tapatan ng mag-iinang Mondragon?

Napapanood ang Kadenang Ginto tuwing hapon, sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Para sa updates, pumunta lang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.

-Reggee Bonoan