3 ginto, nasikwat ni Mojdeh sa Canada swim meet

ONTARIO, Canada – Saan man dalhin, anuman ang kondisyon ng panahon, asahan na may maiuuwing dangal ang swimming sensation na si Micaela Jasmin Mojdeh.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

IBINIDA ni Jasmine Mojdeh ang gintong medalya na napagwagihan sa Raplh Hicken International Swimming Championship sa Canada.

IBINIDA ni Jasmine Mojdeh ang gintong medalya na napagwagihan sa Raplh Hicken International Swimming Championship sa Canada.

Laban sa mas malalaking karibal, nakipagsabayan at nagwagi sa unang tatlong events na nilahukan ang Pinoy top junior aqualass sa 2019 Ralph Hicken International Swimming Championship nitong Biyernes sa Markham Pan An Center dito.

Kumikig ang Palarong Pambansa multi-titled athlete sa Girls 12-under 50-meter breaststroke sa tyempong 36.69 segundo kontra kay Olivia Sander ng USA (37.56).

Nakamit ni Jie Angela Mikaela Talosig,  kasangga ni Mojdeh sa Philippine Swimming League (PSL) Elite squad, ang bronze medal sa tyempong 37.60.

Humirit din ang 12-anyos na pambato ng Immaculate Heart Mary College sa Paranaque sa 400m IM ng Girls 10-12 class sa oras na 5:21.78, kontra kina American Lindsay Gordon (5:35.08) at Piper Mitchel (5:44.11).

ja

Nakumpleto niya ang three-event sweep nang manguna sa Girls 12-under 50-meter fly, sa tyempong 29.71 segundo laban kina Canadian Isabel Marshall (30.86) at Jasmine Nichols (30.91).

Bukod sa pagsungkit ng gintong medalya, nakuha rin umano ni Mojdeh ang bagong meet record sa breast at butterfly event.

“Sa record bulletin, na-break daw ni Jasmine, pero kinukumpirma pa naming para malaman din kung sino yung swimmer na may hawak dati ng record,” pahayag ni Joan, Ina ni Mojdeh, sa mensahe sa Facebook.

"Actually po, target po siya na makabreak ng at least 4 records. Kaya tuwang tuwa po kami kasi nagawa niya agad,” aniya.

Anim pang events ang nag-aabang para sa pambato ng PSL at Swimming Pinas na si Mojdeh upang makumpleto ang siyam na events na kanyang sasabakan, kabilang dito ang 200 IM at 100 Fly na gaganapin sa Sabado (Linggo sa Manila) at  200 fly, 100 breast at 100 Free sa Linggo (Lunes sa Manila).

"Nagpapasalamat po kaming lahat sa suportang binibigay ninyo po kay Jas. Maraming salamat po, at siyempre po kay coach Susan Papa at sa PSL marami pong salamat," ayon kay Joan.

Kamakailan, humakot din ng gintong medalya si  Mojdeh sa 2019 Palarong Pambansa sa Davao City kung saan ay unng beses siyang sumabak sa secondary level.

Sa Beijing at Dubai meet nitong nakalipas na buwan, umani rin ng tagumpay ang nangungunang junior swimmer sa bansa.

“Part po ito ng preparation ni Jasmine para sa National Grand Prix Finals, baka sakali po makalusot siya para sa National Team na lalaro sa SEA Games sa Manila sa November,” sambit ni Joan.

Kasama ang iba pang elite swimmers ng PSL, nagbuo ng Swimming Pinas ang grupo ni Mojdeh at matagumpay na nakapasa sa Grand Prix qualifying meet na ginagawa ng Philippine Swimming Inc. (PSI) para s apagpili ng mga miyembro ng Philippine Team sa SEA Games.