MAKATOTOHANAN ang kuwento ng pelikulang Between Maybes nina Gerald Anderson at Julia Barretto na tungkol sa isang bata na gustung-gustong mag-aral pero hindi nangyari dahil pinag-artista ng magulang na ang katwiran ay, “mahina ka sa klase, lagi kang bagsak kaya pinag-artista ka na lang namin,” ito ang sinabi ni Yayo Garcia sa dalaga.

Julia at Gerald copy

Naniwala si Julia sa ina, kaya sa murang edad ay puro pag-arte sa harap ng camera ang ginawa hanggang sa nagkaisip at doon niya napagtanto na siya ang breadwinner ng pamilya dahil parehong walang trabaho ang magulang at sinasamahan siya sa lahat ng tapings/shootings niya.

Naging de-susi si Julia dahil lahat ng sasabihin ng ina ay sinusunod niya. Kailangan niyang ngumiti kapag may fans na makakasalubong o magpapa-picture, bawal siyang lumabas ng hindi kasama ang magulang at iba pa.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

At dahil hanggang grade 3 lang ang natapos ni Julia, marami siyang hindi alam sa lahat ng bagay, maging ang GMRC o good manners and right conduct ay hindi niya rin alam dahil hindi rin naman ito naituro sa kanya. Kung ano ang nakasanayan niyang ugali ay dala niya hanggang paglaki.

Na-burn out si Julia kaya nilayasan niya ang mga magulang at nagpunta ng Japan kung saan nakilala niya si Gerald na isang waiter at nagde-deliver ng isda sa Saga.

Si Gerald ang bumago sa ugali ni Julia hanggang sa nagkapalagayan sila ng loob, hanggang sa naging desidido na si Julia na sa Japan na tumira at doon na magtrabaho. Pero isang araw ay tinawagan siya ng movie director para sa isang project kaya kailangan niyang iwan ang binata.

Pumasa si Julia sa audition at dito na nagsimulang bumalik ang career niya, sinundan siya ni Gerald sa Pilipinas para pormal nang magtapat na gusto niya ang dalaga pero tumanggi ang una dahil magiging sagabal ito sa nagbabalik niyang karera sa showbiz.

Walong taon ang tanda ni Gerald kay Julia pero bagay silang loveteam, hindi rin namin nakitaan ng awkwardness ang kissing scene at lambingan nila, ang fresh ng dalawa sa screen kaya pabor kami kung bigyan ulit sila ng project na magkasama.

Ang guwapo ni Gerald at ang ganda ni Julia sa pelikula, siguro hindi sila stress doon at feeling namin maaga silang napa-pack up kasi fresh looking sila kinabukasan. Walang pangit na shots si Direk Jason Paul Laxamana.

At higit sa lahat, ang ganda ng Saga, Japan. Hindi kami masyadong mahilig sa nature kasi naiinitan kami sa sikat ng araw at ayaw namin ng maraming nilalakad, pero kung sa nasabing lugar na ito kami magbabakasyon ay magugustuhan namin dahil ang linis, walang mga nakakalat na basura sa daraanan. Pakiramdam namin sobrang safe maglakad doon kahit sa hatinggabi at higit sa lahat, ang sarap ng mga pagkain.

Ang ganda ng feedback ng mga nakapanood sa premiere night ng Between Maybes at marami na agad ang humihirit ng another project sa dalawa.

Kahapon nagbukas (Mayo 15) sa mga sinehan ang Between Maybes na binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board mula sa Black Sheep, Saga Japan Spotlight at ABS-CBN Films.

-REGGEE BONOAN