KAKAIBA ang Mother’s Day celebration na naisip ni Marian Rivera, dahil hindi lang niya inimbitahang mag-lunch o dinner ang lola at mama niya, namigay din sila ni Zia ng powdered milk na ineendorso ng kanyang panganay sa mga bata sa hometown ng aktres sa Bacoor, Cavite.

Marian copy

Inimbitahan nina Marian at Zia ang mga nanay at mga batang tatlong taong gulang pataas na pumunta sa bahay ng lola ng aktres na si Nanay Ingka. Doon, namigay ang mag-ina ng Nido +3 powdered milk, na ini-endorse nilang mag-ina.

Hindi man nakarating sina Marian at Zia sa Mother’s treat nila sa mga nanay at mga bata, masaya pa rin ang okasyon.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Matagal ko na ‘tong gustong gawin, finally natupad din! Simpleng pa-Mother’s Day para sa mga kagaya kong mommies! Alam natin ‘yan, napaka-challenging ‘pag may 3 year old. Pero may ka-partner naman tayo para mag-yes sa kakulitan nila. Zia really loves drinking her Nido +3 so she wants to share it with all you #1moms,” post ni Marian.

“Pasensiya na at hindi ako nakarating pero gusto kong magpasalamat sa aking Nanay at Mama na siyang dumalo para makapiling n’yong lahat.”

Samantala, marami ang natuwa sa video post ni Marian habang ginagawan siya ng sandwich ni Zia.

“Zia surprised me by making me a sandwich, she said ‘Mommy I love you and want you to be happy. I learned to make breakfast for you today!’ This little girl always exceeds my expectations when it comes to being thoughtful and smart. Thank you Ate Zia for making Mama breakfast!”caption ni Marian sa aliw na mga litrato at video.

-NITZ MIRALLES