PAGKATAPOS ng Aurora movie ni Direk Yam Laranas, heto at may bagong project na naman siyang ipo-produce, na may working title na Adam, at idinidirek ni Roman Perez, Jr.

Eksena sa 'Aurora' copy

Si Direk Roman din ang direktor ng pelikulang Sol Searching (2018) na pinagbidahan nina Pokwang at Joey Marquez.

Pangunahing mga bida s a Adam sina Rhen Escano at Cindy Miranda, na ang entire location at ay kabundukan ng Tanay, Rizal. Kasama rin sa pelikula sina Bembol Roco at Epi Quizon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Akala namin ay horror movie ito, dahil nga sa liblib na lugar ng Tanay ang location.

“Not horror. It’s all about truth, lies and violence,” sabi ni Direk Yam.

Wala nang ibang detalyeng ibinigay si Direk Yam, at wala pang target playdate ang movie.

“Wala pa, basta shoot lang kami nang shoot,” aniya.

Ang Adam ay handog ng ImaginePerSecond, Viva Films, at Aliud Entertainment.

Samantala, panay naman ang post ni Direk Yam ng pelikulang Aurora ni Anne Curtis, dahil kasalukuyan nang napapanood sa Netflix ang nasabing entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.

Tinanong namin kung malaki ang pagkakabili ng Netflix sa Aurora.

“That’s between Viva at Aliud Entertainment,” ani Direk Yam.

Hindi kami binigyan ng figures ni Direk Yam, pero tinanong namin kung nabawi na ang puhunan ng pelikula ni Anne, na alam naming malaki-laki rin, pero hindi na niya kami sinagot.

-REGGEE BONOAN