UMANI ng papuri mula sa viewers at netizens ang Sahaya serye ni Bianca Umali.

Todo-pasasalamat naman ang cast ng Sahaya dahil sa magandang performance ng kanilang serye sa TV ratings.

Lalong dumarami ang tumututok sa epic-drama series, dahil mas nagiging exciting ang mga kaganapan sa bawat episode.

Sa Twitter, bumuhos ang suporta para sa lead stars na sina Bianca at Miguel Tanfelix, kasama ang iba pang cast members, na pinupuri ng netizens ang husay sa pag-arte.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Tweet ni @VerbaKalowka: “#Sahaya deserves the rating. Not only entertaining and informative, may story talaga siya kaya

kaabang-abang. Plus the actors and actresses who really give justice to their specific character. Good job! Congratulations, everyone!”

Samantala, trending ang naging transformation ni Sahaya, sa tulong ni Jordan (Migo Adecer). May karibal na ngayon si Ahmad (Miguel) sa puso ni Sahaya, dahil kay Jordan.

-MERCY LEJARDE