Sugatan ang 18 katao matapos na sumalpok ang kinalululanang van sa puno sa Barangay Minanga Sur, Iguig, sa Cagayan, nitong Linggo.

SALPOK_ONLINE

Ayon kay Police Staff Sergeant Walter Lacambra, ng Iguig Municipal Police Station (IMPS), nagpagewang-gewang ang van hanggang sa sumalpok sa puno, dakong 7:00 ng gabi.

Hawak na ng pulisya ang driver ng van, si Job Oro, nasa hustong gulang, na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.

Sa ulat, galing ang van sa Sta. Ana, Cagayan at papunta sa Tuguegarao nang maganap ang aksidente.

Metro

Jerry Gracio, tatakbong mayor ng Valenzuela

Patuloy na nilalapatan ng lunas ang mga pasahero sa Cagayan Valley Medical Center, habang inihanda ang kaso laban sa driver.

-Fer Taboy